Kakia Nox CozenFew days have passed. I'm trying to be strong for my family, for my mom.
Pinipilit kong wag umiyak. Pero tinatraydor ako nang mga luha ko. Kaya kapag alam kong iiyak na ako ay tumatakbo ako papunta sa kwarto ko.
Hanggat maaari ay ayokong umiyak sa harap ni Mommy.
Kahapon ay tumawag sya. Neith.
Hindi ko nasagot dahil nasa kwarto ang phone ko. And I was busy.
Memorized ko ang number nya. Kaya halos mahulog ang puso ko nang makita ko ang number nya sa missed calls.
Kaya naman tinawagan ko sya.
Hindi ako sumagot. Akala nya ay prank call. Kahit galit sya ay nasiyahan ako kahit papaano.
Naiiyak na ako nung marinig ko ang boses nya. Miss na miss ko na talaga sya.
Ayoko lang na dagdagan pa yung sakit nang ulo nya. Ang dami nyang kailangang asikasuhin.
May work sya tapos may thesis pa. Because nung maayos pa kami ay kahit yung dapat na pahinga nya binibigay nya pa sakin.
I realized that i'm being selfish. Wala na syang time para sa sarili nya. Ayokong pati problema ko ay problemahin din nya.
Pag maayos na lahat. I promise aayusin ko yung samin.
Wala na akong pake sa kung ano bang pinag-awayan namin. Basta makasama ko lang ulit sya. I just want her, that's it.
"Kakia!" Isang sigaw na nakapagpatigil sa aking pagiisip.
"Kakia!" That's Dad, I think.
Agad akong lumabas nang kwarto at bumaba para alamin kung anong nangyayare.
"Dad?"
Hinanap ko sya. Palabas nako nang main door nang makasalubong ko Manang.
"Ano pong nangyare? Nasan po si Dad?"
"Naku iha. Nauna na sila sa Hospital. Isinugod kase nila ang Mommy mo."
Nanigas ako dahil sa narinig. Oh God.. Please.. No..
"Saan pong hospital?!" Nagmamadaling tanong ko at tumakbo papuntang kwarto para kunin ang phone ko.
Nagmamadali akong bumaba at nagpunta sa kotse ko. Nakasunod naman sakin si Manang.
"Miss Kakia, ako na po. Pinapasamahan po talaga kayo ni Sir sakin." Sabi ni Manong kaya hindi na ako tumanggi.
"Magiingat kayo." Sabi ni manang at tinanguan ko lang sya tsaka sumakay.
Hindi ako mapakali sa upuan ko. Parang ang haba nang byahe.
"Manong malayo pa po ba?"
"Malapit na po tayo."
Sinusubukan kong i-contact si Daddy pero hindi sya sumasagot. Mukhang aligaga din sya gaya ko.
Umiiyak nako at sobrang bilis nang kabog nang puso ko.
Wag naman si Mommy. Please po. Oh Lord..
Pagdating ko sa hospital ay agad akong nagtanong. Tinuro naman nila ako sa sa emergency room.
I saw Dad sitting there, crying.
Tumakbo ako palapit sakanya at yumakap.
"D-dad.."
Tiningnan nya ako at umupo ako sa tabi nya.
"Princess.." Tanging nasabi nya nalang at muling yumakap sakin.
Umiiyak kaming dalawa.
"What happened?" Tanong ko sakanya.
"I don't know. Next thing I know we need to rush her here."
"S-she'll be okay, right?" Umiiyak na sabi ko sakanya.
"Don't worry. Everything will be fine." Sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Kailangan po syang ma confine." Panimula nang Doctor na tumingin kay mommy.
Dahilan kaya napaiyak nanaman ako. My Mom is having a hard time. Hindi ko maisip kung gaano sya nasasaktan ngayon.
"But we can't promise anything. Delikado ang lagay nya ngayon. I'm sorry.."
Tuluyan na akong napahagulgol at pati si Dad ay walang tigil na din sa pagiyak.
"Mom.." Tawag ko habang hawak ang kamay nya. Nakaupo ako ngayon sa tabi nya.
"Be strong please.." I can't even imagine na mawala ulit sya samin. This is different from before. This time it's real. Forever.
"Baby.. Take a rest. Your Mom will be sad if ikaw naman ang magkasakit." Sabi ni Daddy at hinawakan ang balikat ko.
Nilingon ko sya sa likuran ko at niyakap.
"She'll be okay right? We won't loose her again?"
"Let's hope for the best, dear." Dad said while caressing the back of my head.
Hindi ko alam kung paanong nakatulog ako. Pero nagising ako dahil sa ingay.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang ilang nurse at Doctor.
"Clear!"
Napatayo ako mula sa sofa na hinihigaan ko at tumakbo palapit pero hinarang nila ako.
"N-no!" Dad hug me at isinubsob ako sa dibdib nya. Nagpumiglas ako pero ayaw nya akong bitawan.
Wala na akong maintindihan. Tanging tunog nalang nang nang machine ang narinig ko.
The sound of it means "Thin line."
"No! No! Mom!" Sigaw ko at nakita ko si Mommy nang makawala ako sa yakap ni Dad.
"N-no.." Nanghihinang sabi ko at napaluhod na ako habang walang tigil ang pag agos nang mga luha ko.
Tulala lang ako habang nakaupo sa sofa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na din luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Tila naubos na. Naubusan na ako nang lakas.
Bakit sya pa? Why her?! Damn it!
"Hey.. You should eat." Sabi ni Ven pero hindi ko sya tinapunan nang tingin.
Nilahad nya din sa harap ko ang isang sandwich pero hindi ako gumalaw. Tahimik lang ako na nakatingin sa kawalan.
Bigla akong napatingin kay Ven nang iabot nya sakin ang phone ko.
"Call her." Yun lang at napaiyak na ako.
Neith.. I need her.
I dialled her number pero pinatayan nya lang ako. Nanlalambot kong nabitawan ang phone ko.
Ayoko na. Pagod na ako. Parang pagod na pagod na ako sa lahat. Pagod nakong umiyak. Pagod nakong magisip.
Sumasakit ang ulo ko sa lahat nang nangyayare.
Next thing I know, Everything went black.
BINABASA MO ANG
Blue Hair
Romance(Completed) Homophobic and Sensitive people are not allowed. This is a GxG story. Kakia Nox Cozen, The Blue haired girl at the Coffee Shop. She's there every Saturday. A mysterious girl with her sketchpad. And When Sinag Neith Elacion saw her, She...