J

2.6K 150 14
                                    


Sinag Neith Elacion


Nasira yung alone time namin nung dumating yung dalawa. Hindi tuloy kami makapag swimming ni Kia. Gusto nya pero ayoko syang payagan.

Hinahawakan ko talaga sya sa braso tuwing sinasabi nyang pupunta sya sa pool. Ayoko nga! Nandito pa sila Clio e! Ayokong makita nila kung gano sya ka hot sa suot nya.

Kaya eto nakaupo parin kami sa sofa habang kumakain. Si Kia ay ang sama nang tingin sakin.

Si Clio naman ay inaasikaso ako sa pagkain. Ewan ko ba dito. Sya talaga laging naglalagay nang food sa plate ko tapos pati soft drink sya din.

Si Nike naman ay walang ginawa kundi mag hype about sa popularity ko daw. Excited sya masyado at sinasabihan ako nang mga dapat gawin. Dapat daw pag nakipagkita ako kay Kayce Villaflor ay kasama sya.

"I'm not interested." Walang gana kong sabi kay Nike.

"What?! This is a big opportunity! Ano ka ba!" hysterical na sabi nya

"Edi ikaw makipagkita. Jusme Nike tigiltigilan mo ko please." Naaasar na sabi ko sakanya

"Kung pwede nga lang! Kaso ikaw naman ang hanap. psh! Pahiram nga saglit nang ganda mo, babalik ko din promise." Napailing nalang ako sakanya

"Baliw!"

Si Clio naman ay natatawa lang sa kakulitan ni Nike. Habang si Kia ay masamang nakatingin sakin.

Haynako. Pano ko ba kase mapapauwi tong dalawa na to?! Istorbo e!


Nag kwentuhan pa kami at ilang saglit ay nagpaalam na si Clio. Tinawagan kase sya nang mommy nya. Sa Wakas!

Wala namang dalang sasakyan si Nike so sumabay nadin sya. Balak nya pa sanang maki sleep over pero pinanlakihan ko sya nang mata. And thank God na gets nya.

Dahil masasapak ko na talaga kung hindi nya pa ako na gets. Friendship over! Ganun!

Hinatid ko sila sa may pinto.

Pag balik ko ay nasa pool na si Kia. Nag s-swimming na sya. What the freaking hell! So hot! Yung pag ahon nya sa tubig na parang model at yung paghawi nya sa basa nyang buhok.

Oh my gosh! My breathe become heavy and I can feel the butterflies in my stomach.

Lumapit ako sa pool.

"Ganyan ka ba kasabik sa pool ha?" Sabi ko sakanya at umupo lang sa side gaya nang pwesto namin kanina. Nandito ulit yung wine kaya uminom ako. Baso nya lang yung nandito kaya yun na din ginamit ko.

"And what the hell is your problem at ayaw mong ipagamit sakin tong pool ha?!" Naasar na sabi nya sakin.

Natawa naman ako sa kacute-an nya.

Inirapan nya lang ako at naglakad na sya papunta sa dulo nang pool. Kung saan yung part nang infinity pool na kita yung view. City lights.

Bumaba na din ako sa pool at naglakad palapit sakanya dala yung wine.

Binaba ko yung dala ko sa may end. Pag eto nahulog basag yung ulo nung nasa baba.

Naka cross arms lang si Kia na nakapatong sa semento at nakapatong din dun yung baba nya.

"Hindi naman sa ayaw kong ipagamit tong pool. Kaya nga kita dinala dito para mag swimming e." Sabi ko sakanya at tumabi. 2inch apart. Ginaya ko yung pwesto nya.

She just rolled her eyes without looking at me. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Stop smiling! You look like an idiot." Asar na sabi nya

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon