P

2.5K 119 3
                                    




Sinag Neith Elacion


"You guys know that I'm familiar with your clothes, right Sinag?" Nike said nang makaupo kami sa upuan kung saan nakaupo sila Kia and Pheme. Nandito kami sa Cafeteria.

I want to kiss her kaso bawal. psh.

"What?" I asked innocently kahit alam ko naman ang ibig nyang sabihin.

"Anong what?! Pinapangalandakan nyo ba sa harap ko na may nangyari ha?! Sa isang single na tulad ko? Nangaasar ba kayo?!" OA na sabi nya

Natawa nalang ako at nagumpisang kumain. Kia already bought food for me. Sweet.

Pheme and Nike knows our relationship. Hindi pa namin napaguusapan kung magiging public. Kung ako lang ay gusto ko, para wala nang umaaligid sakanya.

"Ang OA mo. Bumili ka na nga nang food mo!" Pagtataboy ko sakanya.

"Really? Kia is wearing your clothes. Like, from head to toe." She said habang naniningkit ang mga mata. Customized nanaman kase ang suot na jacket ni Kia kaya kilala talaga ni Nike yun. At madalas na si Nike ang kasama kong mag shopping.

Nothing happened. Natulog lang kami sa penthouse. Ang OA talaga

Tiningnan ko naman si Kia na namumula. Nahihiya siguro sya sa pagka green ni Nike.

"Naki sleep over lang. Ang dami mong arte." I said rolling my eyes habang napapailing

"Sana all may ka-cuddle. Sadlyf My Single Life." Maarteng sabi nya at tumayo na para bumili nang pagkain nya

Baliw talaga.

"Don't mind her." Bulong ko kay Kia.

"She's funny." natatawang sabi nya

"Nah..She's just weird."


After namin kumain ay hinatid ko na ulit si Kia sa room nila dahil may klase pa sya. Ako naman ay wala na. Pero hihintayin ko nalang sya. 2hrs lang naman.

Kaya eto kami ni Nike. Nakatamday sa Coffee shop dito sa school. Madali naman syang kausap basta libre. haha


"So.. Success? Kayo na?"

"Yup!" Masayang sabi ko

"Sana oil."

"Baliw!"

"Pero ano palang plano mo? Kayce offer?" Tanong nya habang kumakain.

"I don't know. What do you think?"

"I think it's a great opportunity. For you and for the Hospital. You know. Madami kang matutulungan."

"I know, But I'm scared. What if hindi ko kayang i-manage yung time. Thesis, work and love. Can I do all of that at the same time? And What if magsawa din agad yung tao sakin? I don't want to disappoint my parents."

"I think you can handle it. Magiging busy ka nga lang talaga. And you know Tita and Tito will never think of you as a disappointment. No matter what, They're proud of you. Give yourself some confidence!"

"I wanna help, really. Kaya tulungan nyo ko sa Thesis. Para bawas yung kelangan kong problemahin."

"Ano ka ba! Ako pa?! Duh."

I just rolled my eyes on her. Wala na akong masabi sa kayabangan nya



Few weeks have passed. And I became very busy, like really busy.

I accepted Kayce's offer. Two weeks palang ako ay puno na ang schedule ko. The management make sure na hindi mag ko-conflict ang pasok ko sa school with my photoshoots. Ngayon ay hindi nalang clothing brands, Dahil ang daming kumuha sakin as endorser.

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon