N

2.5K 122 11
                                    




Sinag Neith Elacion


After naming kumain ay nagpunta nga kami sa cafeteria. Ayoko sana pero ang kulit kase ni Nike. ayaw akong tantanan hanggat hindi ako pumupunta.

Gusto kong hawakan ang kamay ni Kia habang naglalakad kami. Kaso wala palang kami. sad.


"Sinag!" Sigaw ni Nike at kumakaway pa talaga nung pumasok kami sa loob nang cafeteria.

Nandun din yung body guard kaya walang makalapit sakanila.

Magkatabi si Kayce at Nike na kaharap naman si Cio. Pang anim na tao kase yung inuupuan nila.

Umupo si Kia sa tabi ni Clio kaharap ni Kayce. Uupo na sana ako sa tabi ni Kia nang hilahin ako ni Kayce sa braso dahilan para mapaupo ako sa tabi nya.

Shet lang. Ramdam ko ang mga nakakamatay na tingin ni Kia sakin.

Tatayo na sana ako para lumipat nang upuan pero pinigilang ako ni Kayce at pinulupot nya ang kamay nya sa braso ko. Patay nanaman. RIP self.


"What do you want?" naiinis na sabi ko sa katabi ko at pilit inaalis yung kamay nya sa braso ko pero wa-epek. ayoko namang pwersahin at baka bigwasan ako nang body guard nya.

"I need to talk to you. By the way, I'm Kayce Villaflor." Sabi nya at nilahad yung kabilang kamay nya for shake hands.

Hindin ko naman tinanggap yun.

"I don't care. We're talking. What do you want."

"Can I talk to you, alone?"

Napatingin ako kay Kia. Masama lang ang tingin nya. hindi sakin. Kundi sa kamay ni Kayce na nasa braso ko.


"I don't have time for this non-sense." I said at tatayo na sana pero pinigilan nanaman nya ako.

Naguumpisa nang maginit ang ulo ko.

"This is important! I have an offer-"

"Not interested." Putol ko sakanya

"Hey! Hindi mo pa nga alam e."

"I don't care. My answer would be the same."

"Nope. Hear me out. Let's talk about it over dinner."

Binigay nya yung calling card nya kaya tinanggap ko nalang.

"See you then. Bye!" sabi nya at hinalikan pa ako sa pisngi bago umalis


Napatingin ako kay Kia na sobrang dilim na nang aura. Parang isang minuto nalang ay makakapatay na ito.

Agad akong lumipat nang upuan para tumabi sakanya.


"So? Pupunta ka?" Excited na tanong ni Nike.

"Nope." Sabi ko pero na kay Kia padin ang tingin ko. Masama lang kase syang nakatingin sakin.

That Kayce girl! ugh! Kasalanan nya to e.

"What?! Come on! Tingnan mo muna kung okay yung offer bago ka mag decide."

"Please Nike. Not now." asar kong sabi at tiningnan na sya.

Na gets naman nya na parang may something. Kaya tumahimik na sya.

"Si, Let's go? Sabay na tayo umuwi? Tito invited me for dinner, sainyo." Masayang sabi ni Clio at tumayo na.


Yun na. Hanggang dun nalang ang pasensya ni Kia dahil tumayo na sya at nagmamadaling umalis. ugh!

"Sorry guys, I need to go." Namamadali nakong tumayo para sundan si Kia

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon