Z

2.5K 127 3
                                    


Sinag Neith Elacion

Damn her! After nya akong iwan? Babalik sya nang ganun-ganun nalang? Ano sa tingin nya? Matutuwa ako?

Naaalala ko naman yung sakit. Yung pagiwan nya sakin na para bang wala akong kwenta. Na ang dali ko lang iwan at palitan.

Ang lakas nang loob nyang pumunta sa birthday ko at kasama nya pa talaga yung babaeng yun. fvck!

Nakarating ako sa sinabing address ni Dad. Nasa harap ako nang isang malaking bahay dito sa tagaytay. Mukhang vacation house.

Bumaba ako nang sasakyn at nag doorbell.

"Hi, I'm Sinag. Nandyan po ba si Kakia?" Tanong ko sa hindi kayandaang babae.

"Nako wala na sila dito ineng. Umalis na sila." Para akong pinagsukluban nang langit at lupa sa narinig ko.

"Alam nyo po ba kung saan sila nag punta?"

"Bumalik na sila sa Manila."

Yun lang at nagmadali akong sumakay sa kotse ko. Damn! Late na pala ako. Nagkasalisi pa kami.

Nang makarating ako sa bahay nila ay agad akong nag doorbell. Pinapasok naman agad ako.

"Si Kakia po?" Tanong ko sa kasambahay nila.

"Si Sir lang po ang nandito, Mam. Tawagin ko lang po sya."

Naupo muna ako sa sofa. Hindi ako mapakali. Parang may mali akong nararamdaman. Hindi ko maintindihan.

Kaba? Saya? Excitement? Takot?

Hindi ko na alam. Halohalo na.

Nakita ko si tito na palapit sakin. Mukha syang wala sa wisyo. Eyebags, halatang stress ito. Naamoy ko din ang alak nang makalapit sya.

Ano bang nangyayare?

"Sinag iha, what are you doing here?" tanong nito at naupo sa tapat ko.

"S-si Kia po tito?" Kabadong tanong ko sakanya.

"She.." tumikhim muna ito bago muling nagsalita na syang lalong nagpa kaba sakin.

"Umalis na sya. I don't know kung kailan sya babalik." Malungkot na sabi nito. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Po?! W-why? When?" Tarantang sabi ko. Damn No! Please No!

"Kahapon pa. Hindi ba kayo nagkita?"

Nanlambot ang tuhod ko sa narinig. Napaupo nalang ako ulit sa upuan. What the fvcking hell?!

"I'm sorry, She said she needed time for herself."

Fvck that! Ilang time pa ba ang gusto nya?! Wala ba akong halaga sakanya? Ni hindi man lang nya ako sinabihan. Kahit isang Bye lang wala.

Ang sakit. Parang basura lang ako sakanya.

Naiyak na ako. Hindi ko na napigilan.

"Sinag i'm-" hindi ko na pinatapos si tito at tumayo na ako.

Fvck everything! Damn!

Ang liit ko naman. Ganun lang ba yung pinagsamahan namin para balewalain nya ako? Para balewalain nya lang lahat?

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko nang makasakay ako sa sasakyan ko.

Pinagsusuntok ko ang manibela.

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon