D

3K 178 23
                                    




Sinag Neith Elacion


Ilang araw narin ang nakakalipas simula nung nangyare sa Cafeteria. Hindi ko na din sya nakikita sa school. Minsan talaga itatry kong pumunta sa Department nila.

Pero okay lang, at least nakikita ko sya sa Coffee shop malapit sa subdv. Kaya Masaya yung every Saturday ko e. Buti nalang talaga nagpupunta padin sya dun. Tulad ngayon. Nakatingin ako sakany habang busy sya sa sketchpad nya.

Pero hanggang ngayon diko padin sya nakakausap. Hays. Kelan nya kaya ako makikilala? Friends, ganun.

Darating pa kaya yung araw na yun? Sana.


Naging busy kami sa school. Medyo mabigat na yung mga kelangang gawin. Graduating e.

Then dumagdag pa yung pangungulit sakin nang Dance Team. Umalis kase ako sa group last year dahil nga magiging busy ngayong 4th yr. Kaso kinukulit nila akong bumalik.

Then yung isa pang makulit ay yung isang clothing brand na kinukuha akong maging ambassador. Ang problema this time e favor yun ni Daddy. Kaibigan nya kase yung mayari. Tae yun, ginamit pa si Daddy. Matagal na kase nila akong kinukulit but my answer is always the same, No.

Tapos etong mga freshmen ay hindi nako tinigilan kakapapicture. Madalas inaabangan nila ako sa labas nang room. Minsan nakakatakas ako dahil tinutulungan ako nang mga kaklase ko, sabay-sabay kaming lalabas tapos nasa gitna ako para di nila ako makita.

Ang nakakatawa pa e si Nike na kina-reer na talaga yung pagiging manager ko. Sya pa talaga nageexplain na kesyo may pasok pa kami or busy. Nagpapasalamat naman ako sa effort nya.


"Oh ano? Tinanggap mo na ba?" Tanong sakin ni Nike habang kumakain kami. Buti nalang talaga pag kumakain kami ay walang nangiistorbo. Sinabihan kase sila ni Nike nun na pag kumakain ako ay wag istorbohin. Last time kase ay hanggang dito sa cafeteria ay nakasunod sila. May nagpapa autograph pa. Matindi.

"I'm still thinking about it. Dad don't pressure me. Ang kaso minsan lang kase sya humingi nang favor kaya nahihiya din akong tumanggi."

"You know what? Just do it. Photo shoot lang naman yun. And for sure may free clothes."

"Yung free lang talaga habol mo e."

"Opkors! Tsaka hindi ka naman nila pinagbabawalan magsuot nang ibang brand diba. So okay na din."

"Sabagay. Minsan may sense ka din palang kausap? Akalain mo yun?" Natatawang sabi ko sakanya

"Ulul! Anong minsan?! Sapak you want?"

Tinawanan ko nalang sya at kumain nalang.








"Nice!"

"One more!"

"Gorgeous!"

"Okay next outfit!"

I sighed at ginalaw-galaw ko yung bibig ko dahil feeling ko nangalay ako kakangiti. Kaya ko naman to. Mahilig kase akong manuod nang mga videos about fashion and photography. Balak kong magaral nang photography pag may time nako.

"Naks! Cannot be reach na talaga this girl." sabi ni Nike at inabutan ako nang tubig habang naglalakad kami pabalik sa dressing room.

"Baliw! Bat ba nandito ka ha?"

"Manager, remember? Haler!" Maarteng sabi nya

"K."



Nakailang palit din ako nang damit bago matapos yung shoot.

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon