I

2.8K 132 6
                                    


Sinag Neith Elacion

After class ay nagpaalam agad ako kina Nike na kelangan ko nang umuwi. Nakalimutan ko na nga din si Clio na wala nga pala syang sasakyan. Kaya tinext ko nalang si Nike na isabay si Clio tutal same subdivision lang naman kami.

Napagusapan namin ni Kia na 1pm kami magkikita. Balak kong mag movie date sa penthouse ko tapos swimming kami after sa rooftop. Iniisip ko palang kinikilig nako.

Pagkauwi ay agad akong naligo. Wala naman sila mommy so hindi na ako kumain. Sa penthouse nalang mamaya.

Nagsuot lang ako nang Black high waist A-line skirt and a white loose shirt. Tapos nag Red and Gold Nike Airforce na shoes ako. Simple lang then liptint and i'm done.

Agad kong tinext si Kia habang naglalakad ako papunta sa garahe.

To: Kia💋

You ready? Paalis nako.


Hmmm.. mukhang may taste si Kia sa cars. Ano kayang gagamitin ko?

"Okay! Ikaw ang kotse of the day!" Sabi ko sa sarili ko at lumapit na kotseng napili ko.

It's a Red Ferrari F8. Isa sa favourite ko.

Sumakay nako at nag drive na papunta sa bahay nila Kia.

Pagkarating ko ay nag park ako sa tabi tsaka nag doorbell.

Isang guard ang sumalubong sakin. I told him i'm a friend of Kia. Pinapasok naman nya ako agad.

"Godd afternoon po." Bati ko pagpasok

"Magandang Tanghali po. Upo po kayo." Sabi nang isang kasambahay nila sakin at dinala ako sa sala.

"Tatawagin ko lang po si Miss Kakia." Sabi nya kaya ngumiti ako at umalis na sya.

Few minutes later ay bumalik na yung Kasambahay at sumunod na si Kia.

Goodness Gracious! What a hot chick!

She's wearing a high waist denim short and an off shoulder flower top. Medyo kita abs nya. Gosh! then naka Birkenstocks na sandals lang sya.

Natulala na talaga ako sakanya. Parang slow motion yung paglalakad nya papunta sakin. Kinakapos nadin ako nang hangin. Freaking hell! I'm gonna die.

"Like what you see?"

Nabalik ako sa katinuan nang magsalita sya. Nakalapit na pala sya sakin. At nakita nya akong tinititigan sya especially her long legs. God! nakakahiya!

Napakurap ako at nag-angat nang tingin. Nung magtama ang mata namin ay agad akong napayuko.

"L-let's go?" Sabi ko at tarantang napa tayo.

"You and you're red cheeks." Natatawang sabi nya tsaka pinisil ang pisngi ko.

"Cute." Dagdag nya pa na lalong nag pa pula sakin. Nauna na syang naglakad palabas.

"Aren't you coming? Let's go." Sabi nya dahil naestatwa nako sa kinatatayuan ko. I mentally hit my head. Wala na bang mas ikakahiya tong araw nato? Gosh!

"Wow! What a nice car you have here." Manghang sabi nya pagkakita sa kotse ko. Napangiti naman ako.

"Thanks. You wanna drive?" Kumislap naman ang mga mata nya.

Binigay ko sakanya ang susi at pinagbuksan sya nang pinto.

Sya na ang nag drive. Naguusap lang kami sa byahe. Medyo malapit lang naman yung rooftop mula dito.

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon