X

2.3K 96 5
                                    

Thank You sa 900+ reads guys!

Last two chapter. Pinipiga ko pa utak ko e.

Kalma muna tayo.

*****

Sinag Neith Elacion

"Babe." Isang tawag na nagpatingala sakin para tingnan ang taong iniluwa nang pinto nang office ko.

"Hey.." tipid na sabi ko at bumalik sa ginagawa ko.

"Pinatawag mo daw ako?" Tanong nya at naupo sa upuan sa tapat nang table ko.

"Yep. Come here." Sinenyasan ko syang lumapit sa tabi ko. Lumapit naman sya at inakbay sa swivel chair ko ang isang braso nya tsaka sya yumuko nang konti.

"What do you think about this?" Tanong ko sakanya at pinapakita ang mga designs nang gown sa computer ko.

"Uhmmm.. Maganda sila. Nakapili ka na ba?" Tanong nya sakin.

"Hindi pa nga e. Help me." Naka pout na sabi ko sakanya.

"uhmm... Wala akong alam dyan babes e. Parang pare-pareho lang naman." Kamot ulo nyang sabi. "Nakausap mo na ba yung organizer? Sakanya ka kaya mag tanong?"

"Hindi pa, Ang hirap naman kasing mamili lahat magaganda. Malapit na pa naman ang-" Naputol ang sinasabi ko nang may biglang nagsalita.

"Hey lovebirds!" Napatingin kami ni Clio sa may pinto at doon nakasilip ang ulo ni Nike.

"At ano namang ginagawa mo dito aber?" Masungit na tanong ko sakanya. Sya naman ay pumasok at prenteng umupo sa sofa.

"Wala ba kayong balak mag lunch? Puro kayo landi."

"Sa ating dalawa ikaw ang mas malandi." Sabi ko sakanya nang napapailing.

"Ako?! Bakit ako? Wala nga akong jowa e." Defensive na sabi nya.

"Wala? So ano si Greg? Anino?" Nakakunot ang noong sabi ko sakanya.

Halata namang may gusto sila sa isat-isa. Pakipot pa tong isa. Puro landi lang alam. Yung isa naman e nuknukan nang torpe. Paguuntugin ko na talaga silang dalawa.

"Yung unggoy na yun? Duh! He's not my type." Maarteng sabi nya habang nag hair flip pa.

"Alam mo ikaw? Ang arte mo." Naiiling na sabi ko sakanya.

Napahilot ako sa batok ko dahil masyado akong busy ngayon. Sumasakit ang batok ko pati ang ulo ko. Idagdag pa ang ingay nitong bruhang to.

"Kaya nga. Grabe ka kay pareng Greg. Pag yun nakahanap nang iba, who you ka." Sabi ni Clio at lumipat sa likod ko para masahihin ako.

Nakita ko namang naasar si Nike dahil sa sinabi ni Clio. Kaya natawa kami sakanya. Pakipot talaga e.

"Oh kita mo. Isipin mo pa lang na may iba na sya, masakit di ba?" Nangaasar na sabi ko sakanya.

Inirapan nya naman ako at nagdadabog na lumabas nang office ko. Pero nagsalita muna sya bago tuluyang lumabas.

"Walang poreber!"

Natawa nalang kami sakanya. Bitter.



"Table for two." Sabi ni Clio sa isang waiter nang makapasok kami sa isang restaurant.

"This way Mam and Sir." Sabi nito at iginaya kami sa isang table.

Pinag hila ako ni Clio nang upuan bago sya umupo sa tapat ko.

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon