B

4.3K 163 11
                                    


Sinag Neith Elacion


"Sinag!"

"Good Morning Sinag!"

Bati sakin nang mga students pagpasok ko palang sa hallway. Ang aga-aga tambay talaga sila dito. Sanay nako sa ganyan. Hindi naman ako snob so binabati ko din sila at ngumingiti kahit medyo naiilang talaga ako. Sanay naman ako na every time na nakikita nila ako ay binabati nila ako, feeling ko nga nangangampanya ako e. 

"Sinaaaag!!"

Isang sigaw na nakapagpatigil sakin. Malamang yung nagmamayari nang bungangang yan ay kilala ko na.

Tumigil ako para lumingon sa likod ko kung saan nakita kong patakbo papalapit sakin ang bestfriend kong nakalunok nang megaphone.

"Bunganga mo naman Nike! Di lang tayo ang tao dito." saway ko sakanya nang makalapit sya sakin.

"Okay lang yan. 4yrs na tayo dito no, sanay na yang mga yan satin."

"Pwes ako hindi! takte pag ako talaga nabingi ipapa salvage kita." naiinis kong sabi sakanya, tumawa lang naman ang bruha kaya naglakad nako paalis. Sumabay naman sya sakin.

"Saan ba room natin? Patingin nga nang schedule mo di ko dala akin e." I rolled my eyes on her.

"Ano pa nga bang aasahan ko sayo. tss.."

"Asahan mong kahit anong mangyare, Maganda parin ako!" tatawa-tawang sabi nya

"Last mo na yang joke na yan. Quota ka na."

"Anong nga kase?" Sabi nya kaya inabot ko sakanya yung papel kung san nakalagay yung schedule namin para matahimik na sya.

"Room 312, Major Subj. Takte ang aga-aga tapos Major agad?!" Exaggerated na sabi nya. OA talaga

Sumakay na kami nang elevator dahil sa third floor pa yung room namin. Nakakapagod mag hagdan so dito nalang kami.

Pagpasok sa room ay nakita ko yung mga kaklase ko. Same-same. Parepareho kase kami nang piniling Schedule para sama-sama ulit kami.

"Yow Sinag!" Sabi ni Greg. Isa sa mga kaklase ko.

Isaisa naman nila akong binati kaya tinanguan ko lang sila at ngumiti at naupo sa likod na upuan. Ayoko sa harap, masyadong pansinin nang prof. Tumabi naman sakin si Nike.

Tae inaantok pa ako. Ang aga naman kase nang first class. 7:30 first class tapos major. Sana lang gising utak ko pag nag start na yung klase.

I'm an IT student. 4th year 1st semester. Last year na kaya dapat seryoso na. This is the thesis time. Konting kembot nalang at ga-graduate na kami.

Nike Scalar, She's my bestfriend friend since High school. Partners in crime. Hindi ako madaldal na tao especially with strangers pero mabilis naman akong maka-close. Hindi din ako snob pero medyo aloof ako sa tao. Kumbaga hindi ako yung tipong nagi-initiate nang conversation pero once na nakagaanan ko nang loob e dumadaldal nako. Hindi nga lang katulad ni Nike na nasobrahan sa daldal.

Ilang sandali pa ay nag discuss na yung prof. Ilang weeks lang daw na discussion at magpepresent na kami nang mga topic for thesis.

"I advice you to be ready. Start your research for you title defemse. Para hindi kayo rush." Sabi nang prof namin.

Eto yung problema sa IT. Masyadong malawak yung technology. And every thesis kelangan may unique silang makita para hindi redundant or katulad nang mga thesis before.

Blue HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon