Kakia Nox Cozen"Epic fail. tsk." Inis na sabi ni Venice at naupo sa tabi ko.
I'm with my friends na nakilala ko sa States.
Nasa club kami nang makita ko sya. She's with her ex. Ex pa nga ba?
Dahil sa tingin ko ay higit pa dun ang kung anong meron sila ngayon. hays.
"What happened?" Natatawang tanong ni Jona.
Tumingin muna sakin si Venice. Tumango ako para sabihin na mag kwento sya.
Nag buntong hininga muna sya bago sumagot.
"She's with her fiancé." Sabi nito na syang ikinasamid ko. The Hell?!
"Fiancé?!" sabi ko nang di makapaniwala.
Huli na ba ako? Wala na? End game na ba?
They know my past with Neith. At pinaguusapan namin kanina kung anong meron kay Neith at Clio.
Kaya etong si Venice nakaisip nang idea. Ayun nga. Kaya sya lumapit dun kina Neith.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang sakit. Late na pala ako.
Napayuko ako at napa inim nang alak na nasa harap ko. Straight.
Kakauwi ko lang galing New York. Dun ako nagpatuloy mag-aral at nag work. After 4 years ay nagkaroon na ako nang lakas nang loob na bumalik. For her.
I want her back. I still love her. Walang nag bago. Sya parin.
I know I left her. Gusto ko lang mag hilom muna yung sugat, yung sakit. Gusto ko munang mapag-isa that time. Kinailangan kong hanapin ang sarili ko. Dahil feeling ko naliligaw ako.
Two days lang ay nilibing si Mommy. Tahimik namin yun ginanap at tanging rclose elatives lang ang nakaalam.
Kaya pagkalibing kay mommy ay agad akong lumipad papuntang New York. Wala akong sinabihan kung saan ako pupunta kundi si Daddy.
I left her with a letter. Iniwan ko yun sa crew sa favourite Coffee Shop namin. Kung san nagsimula ang lahat.
Pero mukhang naka move on sya. Hindi ko naman din sinabing hintayin nya ako. Sino ba naman ako para hintayin nya diba. I'm just a selfish bitch, na nangiwan sakanya.
Tama lang siguro yung ginawa nya. At least alam kong masaya sya. Kahit hindi na ako yung dahilan. Kahit hindi na ako kasali sa saya nya. Kahit wala na akong karapatan.
Birthday nya na. Hinintay ko lang na salubungin yung birthday nya. Bago kami umuwi.
"Happy birthday." Bulong ko nang mag alasdose na. Nakita ko silang masayang nag cheers.
Pagkatapos naming maginuman ay umalis na din kami. Naaasiwa ako sa view kaya mas minabuti ko nalang na umuwi.
"Ugh!" Daing ko nang magising ako. Damn this hangover!
"Yan, inom pa. Alam mo namang hindi mo kaya." Rinig kong sabi ni Ven at naupo sa side nang kama ko.
"I saw her." nakayukong sabi ko. Kusang tumulo ang mga luha ko nang maalala ko kung gaano sya kasaya. Kung paano sya ngumiti sa fiancé nya.
Hindi ko akalaing may isasakit pa pala yung hindi ko sya nakita nang madaming taon.
Mas masakit palang makita sya. Makita sya sa piling nang iba. Na masaya nang wala ako. Damn it fvcking hurts!
"shhh... It's okay. Everything will be okay." Bulong nya habang hinihimas ang likod ko.
"She's happy now.. I guess that's all that matters."
BINABASA MO ANG
Blue Hair
Romance(Completed) Homophobic and Sensitive people are not allowed. This is a GxG story. Kakia Nox Cozen, The Blue haired girl at the Coffee Shop. She's there every Saturday. A mysterious girl with her sketchpad. And When Sinag Neith Elacion saw her, She...