Chapter 8

1.5K 74 21
                                    

Months later......

Nakapagpatayo na ng business nila si Ica at Moon sa Xcity. Nagsimula na din na maging busy si Ica. Pero di rin niya pinapabayaan ang dalawang anak. Alam niyang sobrang talino ng mga ito, pero mas gusto niya itong mamuhay ng normal gaya ng mga kaedad nilang mga bata. Kaso nga lang ayaw ni Yun ang ganung klaseng buhay kasi nga halos alam na niya lahat. Minsan nagtataka na din si Ica sa mga anak kung bakit ganun katalino mga anak niya at ang bilis ng mga ito matuto. Kaya minsan napapisip siyang nagmana ang mga ito sa ama nila na hanggang ngayon ay di parin kilala ni Ica. At tuwing maalala ni Ica ang mga pangyayaring yon, nalulungkot siya. Dahil alam niyang gusto din makilala ng mga anak niya ang kanilang ama, kaso wala siyang idea kung nasaan ang ama nila. Kasi disgrasya lang at di sinadya na mabuo sila ng isang gabing yon, na niloko siya ng kapatid niya at ng boyfriend niya. At wala na ding balita si Ica sa mga Villafuentes. Siguro nga inisip na nilang patay na talaga si Ica.

.................

Habang nasa opisina niya si Ica, napag-isipan niyang pumunta ng mall para mag-unwind man lang after work niya. Tinawagan niya ang mga anak niya para sabihing late na siyang uuwi at wag na siyang hintayin. At ok lang din naman sa mga anak nito at naintindihan nila na sobrang busy na din ang kanilang mommy. Dahil mag-isa lang ito na pinalaki sila kasi kahit naman mayaman ang kumupkop sa kanila nagtatatrabaho pa din si Ica para sa kanila.
Wala din namang bibilhin si Ica dahil halos lahat mayron na siya at saka mismong si Kuya Moon niya ang gumagawa ng mga damit nilang mag-iina kaya wala na siyang problema sa pananamit nila.
Paglabas niya ng mall, may nakabanggaan siyang isang lalaki...

"Sorry Sir. - Ica na nakayuko at nilagpasan ang taong nabanggaan niya.

" Wait... You drop this. - sabi ng lalaking nakabanggaan niya. Nalaglag kasi ang kanyang Keychain.

"Ah thank you. - sagot ni Ica at umalis na.

Napahinto naman si King dahil bakit parang pamilyar sa kanya ang anyo ng babae at saka yong pabango ng babae pareho din ng pabango ng babaeng nakasama niya noon. At hahabolin niya sana ito para tanungin ngunit wala na ito at nawala na sa paningin niya at ganun din ang nangyari di niya rin masyadong naaninag ang mukha ng babae dahil nagmamadali na itong makaalis. *Sigh...
At umalis na din si King dahil magkita-kita na naman silang pito sa isang bar. Kilala nila ang may-ari ng isang sikat na bar sa Xcity dahil kaibigan din nila ito.

"Oh andiyan na pala si King.-Alaister.
" Uuuyyy...King kanina ka pa ba? - Jacob.
"kakarating ko lang, sagot naman ni King.

Umupo na si King sa tabi nina Henry at Zenon. At nagsimula na silang mag-inuman. Habang maraming babae na nakapaligid sa kanila halos hinuhubaran na silang lahat kung titigan.
Si king naman walang pakialam sa paligid at parang wala ito sa sarili. Kaya tinanong na ni Laurence.

"King malalim ata iniisip mo, may nangyari ba? - Laurence.
" Wala naman may iniisip lang. - King. *Sigh.

"King wala ka pa ba talagang balak maghanap ng ma-a-asawa? - Xyrus.

" Tsk! Pakialaman niyo nga yang mga buhay niyo wag yong buhay ng iba. - sagot ni King na may halong inis.

"Ayan... Ayan kaya ka di makapag-asawa dahil diyan sa ugali mong pinaglihi sa sama ng loob. - Jacob.

Kaya naman dumampot si King ng isang baso at itinapon ito kay Jacob.

"Oooppps! Nakailag pa din, galing ko talaga. - jacob na naghambog.

" Gusto mo ulitin natin paniguradong masasapol ko na yang pagmumukha mo. - King.

"Oh... Oh... Easy lang ang init ata... May regla ba? - sabat naman ni Alaister.

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon