Chapter 13

1.4K 76 22
                                    

Highly dedicated to jaecse07

Days later......

Ito na yong panahong gusto ni King mangyari ang panahong magpapakilala na siya sa mag-ina niya. Araw ngayon ng sabado kaya nasa Villa ang lahat. Masaya si King na walang mapaglagyan ngunit may kaba din sa maaaring isasagot ni Ica sa kanya, pero nakahanda siyang tanggapin lahat basta ba makagaan sa loob ni Ica, importante ngayon di na niya sila pakawalan pa. Sa haba ng panahong paghahanap niya sa babaeng matagal na niyang hinanap. Habang hawak ni King ang kwentas na Sapphire na ngayon ay isasauli na niya sa tunay na may-ari nito.
At inilagay niya ito sa kanyang bulsa. At ang lahat ay nakahanda na. Maliban sa lolo Sebastian niya na wala itong kaalam-alam. Kaya naman bigla itong napatanong.

"King, apo saan ba tayo pupunta at nakaayos pa tayo." Lolo asked.

"A-ah... E-eh! Punta tayo sa mga Collins lolo ininvite nila tayo for a Family dinner." palusot ni King.

"Well, nakakapagtataka lang na bigla nila tayong inimbita sa haba ng panahong di ito nangyari mula ng mawala pareho mga anak namin di na ito naulit pa, siguro ngayon kailangan na natin silang pakawalan at kalimotan." Lolo sighed and look sad.

Nakita ni King na malungkot ang lolo niya. Dati isa silang pamilyang sobrang saya. Kasama ang mga Collins. Nagkaisa ang mga ito ng dahil sa isang trahedya nabago ang lahat. Kaya naman nilapitan ni King ang lolo niya saka pinatong ang kamay nito sa balikat ng lolo niya at sinabing...

"Don't worry lolo, maging masaya ulit ang pamilya natin babalik din ito sa dati kung gaano kasaya ang dalawang pamilya, maibabalik natin ito. Alam kung malapit ng darating yon." King said in assurance.

"Sana nga apo." Lolo answered.

"Oh siya sige na lolo aalis na tayo baka ma late pa tayo kakahiya naman." King said and smile.

At ready na ang lahat nasa labas na sila. Mag-4pm ng hapon palang mas mainam ng maaga kasi alam ni King maraming mapag-usapan kaya dapat agahan nila ang pagpunta.

Habang sa Collins Villa ay walang kaalam-alam sa mga posibleng mangyari sa gabing yon maliban kay Jun na alam ang lahat ng plano ni King.

Si Ica naman ay namasyal kasama ang mga kambal bumawi siya sa pagiging busy niya nitong mga nakaraang araw kaya sinamahan niya ang kambal. Nag-enjoy sila like an ordinary days nila sa France. Pasyal sa park at magmo-malling at saka iba pa kahit wala naman silang bibilhin iba pa rin yong mailabas niya ang mga bata na kasama siya kaya naman habang nasa park sila ay masayang-masaya namang naglalaro ang dalawa. Kasama nila ang butler ng Collins na nakatayo ito sa di kalayuan. Kasi binilin dito na mag-ingat. Masaya ang mag-ina habang sa di kalayuan ay mayroong nagmamasid sa kanila na di nila ito napapansin. Kaya naman 3:30pm nag-aya ng umuwi si Ica kasi alam niyang napagod na ang mga bata sa kakalaro nito kanina pa. Kaya naman tinawag niya ang mga ito para sabihing uuwi na sila. Habang nasa sasakyan sila ay may biglang bumangga sa sinasakyan ng mag-ina kaya sobrang gulat ni Ica at pati na ang mga kambal. Muntik na silang mabangga at may nakaharang sa kanilang mga sasakyan at lahat ito ay nakaitim na may takip ang mukha kaya naman kinabahan si Ica. At niyakap ang dalawang anak nanginginig ito sa takot. Halos maiyak na si Ica ng bumaba ang mga taong nakaitim papunta na sa kung saan sila ngayon.

"Lady Ica,young miss, young master, ok lang po ba kayo? Tanong ng butler.

" A-Ah... Yes! Utal na sagot ni Ica sa kaba at takot. Di niya lubos maisip bakit nangyari ito at sino ang mga nakaitim sa labas ng sasakyan nila. Kung pera ang kailangan ng mga ito ibibigay niya lahat ng naipon wag lang kunin or saktan ang mga anak niya, nangangatog na si Ica at naramdaman yon ng dalawang bata.
Kahit kayang lumaban ni Yun at Ae di nila ito makaya sa ngayon dahil mas lalo silang mapapahamak kasi andiyan ang mommy nila. Kaya naman nanlisik ang mga mata ni Yun sa galit "kung sino man ang may pakana nito mananagot sa amin, sa isip ni Yun."

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon