Chapter 16

1.5K 76 41
                                    

...............

Halos nawalan na ng pag-asa ang lahat para kay Ica dahil araw-araw itong humihina pero si King nanatili itong nasa tabi ni Ica kahit na ganun ang nangyari umaasa siyang isang araw ay magigising din si Ica.

TWO MONTHS LATER.........

Sumuko na silang lahat maliban kay King at dalawang bata. Nakikita nilang nahihirapan na si Ica so gusto na nila itong pakawalan kaya naman masakit man para kay King pero kakayanin niya kaysa naman makita niyang patay na buhay si Ica na tanging mga machines nalang ang nagbigay sa kanya ng buhay. Kaya naman pumasok silang tatlo kasama ang kambal sa ICU kung saan andoon si Ica.

"Mommy, please wake-up you sleep here for too long."-Ae na umiiyak.

Habang si Yun ay di na nagsalita pero may mga butil na sa mga mata nito, alam ni Yun at Ae na pakakawalan na nila ang Mommy nila dahil kahit bata pa sila matured na isip nila. Kaya naman di nila ito matanggap pero mas mahirap para sa kanila tingnan ang mommy nila sa ganung kalagayan na sa tingin na ito at gusto ng magpahinga.

"Mommy, kung pagod kana magpahinga kana po, mahal na mahal namin ni Ae pero sana kung narining mo kami, sana bumalik ka Mommy kailangan ka namin Mom." - Yun na umiiyak na habang hawak nito ang kamay ni Ica.

Si King naman ay nasa may upoan na pinaparelax ang kambal sa pag-iyak at naiyak na rin. Kaya humalik ang dalawang bata sa labi ni Ica at pisngi bago ito tumalikod para lumabas na at naiwan si King sa loob. Hinawakan ni King ang kamay ni Ica at kinausap ito na para bang buhay.

"Ica, please kung naririnig mo ako kami ng mga anak mo sana naman bumalik ka sa amin kailangan ka namin ng mga anak mo kaya please sana pakinggan mo kami Ica. Kailangan ka namin parang awa mo na. Gumising kana Ica. Umiiyak na si King habang hawak ang mga kamay ni Ica kaya naman hinalikan niya ito sa noo, ilong, pisngi at sa labi habang di napigilan ni King na malaglag ang kanyang mga luha sa pisngi ni Ica. At yumuko si King habang nasa noo niya ang mga kamay ni Ica at paulit-ulit niya itong hinalikan.

Binitiwan ito ni King at saka tatalikod na para pumasok ang nga doktor at tanggalin na ang mga aparatus sa katawan ni Ica para tuloyan na itong makapagpahinga.

Ngunit ng tatalikod na sana si King nahagip ng mata niyang gumalaw ang kamay ni Ica, kaya naman binalikan niya ito at mas tiningnang maigi ang kamay ni Ica at saka mukha nito nakita niya itong dilat ang mga mata ni Ica na nakatingin sa kanya kaya naman halos di makapag salita si King at tinawag niya ang mga doktor na nag-asikaso kay Ica at dali dali itong pumasok sa loob para tingnan si Ica. At pinalabas nila si King. Kaya naman sumunod si King naghintay ito sa labas. Kaya ng lumabas ang doktor kaagad itong sinalubong ni King at tinanong.

"Doc,kamusta asawa ko doc. Anong nangyari. Gising na ba talaga siya?" - King na tarantang tinanong ang doctor.

"Yes Mr. Frost,ililipat nalang namin siya sa ibang kwarto doon niyo nalang siya hintayin. At umalis na ang doctor.

" Salamat doc. Sobrang tuwa si King sa mga narinig niya at di na siya makapaghintay na makita si Ica.

Naghintay sila sa room kung saan ililipat na si Ica. Nagising na nga ito pero kailangan pa nito ng mahabang pahinga.

Minutes later.........

Nailipat na si Ica sa pribadong kwarto. Kaya naman tinawagan kaagad ni King si Jun at sinabi dito na nagising na si Ica.

"Hello Jun, punta kayo dito sa Hospital nagising na si Ica." - King.

"Talaga King, salamat at sige punta na kami diyan." Jun binaba kaagad ang telepono at para makaalis na at sinabihan niya na din ang lahat.

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon