Chapter 12

1.5K 91 38
                                        

Alexandrea Ae Collins

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexandrea Ae Collins

3days Later...... DNA results..

Dumating na ang hinihintay ni Jun at ipinadala na ito sa opisina niya mismo.
At binuksan niya ito kaagad at nagulat siya sa nakita kasi ang lumabas lang naman ay 99.999999999% na si King ang tunay na ama ng dalawang bata. Kinuha niya kaagad ang kanyang cellphone para tawagan si King at para magkita silang dalawa.

"Hello Jun?

" King andito na ang result sa kamay ko, magkita nalang tayo." Jun.

"Ok sige, dating tagpuan doon nalang tayo magkita pupunta na ako." King.

At umalis na rin si Jun sa opisina niya.

"Leo ikaw na muna bahala dito, may pupuntahan lang ako." Jun na nagmamadaling makaalis.

"O-ohhh! Yon lang ang tanging naisagot ni Leo.

" Saan kaya ang punta ni Kuya? Sa isip ni Leo. At pumasok na sa sarili nitong opisina.

Dumating sila sa tagpuan nila kaya naman umupo na si Jun at King at binigay dito ang papel na bitbit.
Kinakabahan si King ng tanggapin niya ito, kaba na baka di siya ang tunay na ama, pero sa loob ng tatlong araw pinagdarasal niya pa rin na sana siya nalang ang ama ng kambal. At ito na nga hawak na niya ang resulta. Tumingin siya kay Jun na para bang nagtatanong at kinakabahan siya. Kaya ngumisi lang si Jun sinabing "buksan mo na". At ngumiti ulit ito kay King. Kinakabahan si King na di maipaliwanag na may halong excitement na iwan. Kaya naman binuksan niya ito at tumambad sa mukha niya ang resultang 99.999999999% positive. Sa sobrang saya ni King napaluhod siya sa sahig sa tuwa na may luhang pumatak sa mga mata niya. Luha dahil di niya naalagaan ang kambal at luha na bakit di niya man lang ito nahanap noon pa at luha dahil muntik palang mamatay ang kanyang mag-iina. Kaya naman inalalayan siya ni Jun na tumayo at umupo silang dalawa habang pinaparelax muna ni Jun si King kumuha ito ng tubig para ipainum kay King.

"King, I'm sorry because we hide Veronica. Kasi di namin alam ang nangyari noon sa kanya kaya naman tinango namin siya at di namin akalain na ikaw lang pala ang ama ng kambal sa tagal na panahong nangulilala ang dalawang bata na magkaroon ng ama, at laging sinasabi ni Ica na wala silang ama. Kasi ang totoo niyan di rin kilala ni Ica ang lalaking gumalaw sa kanya noon. Binugbog pa siya ng mga Villafuentes at pinalayas na sobrang lakas ng ulan ng madaling-araw. Basang-basa siya noon at dahil doon sa wala na sa isip niya. Tumawid bigla at yon nabundol nila lolo at butler namin buti nalang kami ang nakakuha sa kanya noon. Dahil sa ayaw na ni Ica pag-usapan ang mga nangyari hinayaan namin siya na wag ungkatin ang nakaraan. Kasi para sa amin gusto namin magsimula ng bagong buhay si Ica as a normal na ina ng dalawang kambal. Sorry King. Alam ko hinanap mo din ang babaeng yon sabi mo coincidence lang ang lahat ng ito sana mapatawad mo kami. "Jun humingi ng tawad.

At bigla siyang niyakap ni King.

"Salamat Jun, nahanap ko din si Ica. Nahanap ko din ang babaeng matagal ko ng hinahanap. At may bunos pa dahil may anak pala kami at kambal pa salamat dahil di niyo sila pinabayabaan habang wala ako, habang naging gago ako noon, pero i swear hinanap namin siya kaso di namin mahanap kahit anino niya at di ko makilala mukha niya noon dahil pareho kaming nalasing nalang bigla sa di namin sinadya dahil sa drugang nilagay sa mga inumin nagkataon na parehong lugar ang pinangyarihan. "mahabang paliwanag ni King kay Jun.

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon