Chapter 19

1.7K 98 69
                                    

Natapos din ang celebrations sa Villa ng mga Collins at kailangan na nilang bumalik ulit sa Mansyon na kung saan doon muna sila nakatira pansamantala. Pero inasikaso na ni King ang magiging bahay nila isa itong napakalaking Mansyon.

Matagal na itong pinagawa ni King ng sekreto ni isa man sa mga kasamahan niya ay walang alam ang mga ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matagal na itong pinagawa ni King ng sekreto ni isa man sa mga kasamahan niya ay walang alam ang mga ito. Kaya naman kapag magiging ok na ang lahat saka sila lilipat.
Gusto ni King makalipat na sila dahil mas mahirapan gumalaw si Ica sa sitwasyong patago kaya haharapin na nila ang mundo na puno ng sagabal at handa na si King para doon poprotektahan niya sa pamilya niya sa lahat ng gusto manakit nito at ayaw niya maulit pa ang nangyari noon.

Sa ngayon masayang magkasama sina King at Ica sa Mansyon na pinagtaguan sa kanila. Kaya naman sobrang natuwa ang lahat dahil nakita nila na unti-unti ng nagbabago si King. Palangiti na ito at di na gaya dati na halos isang galaw mo lang, nakatutok na kaagad ang baril sa sintido mo. Umakyat na sila pareho sa kwarto nila para magpahinga.

Habang ang dalawang bata naman ay umiskapo papunta kay Rain dahil dadalhin nila ang dalawa sa isang hidden place ng mga Frost na kung saan andoon lahat ng mga sandata at kailangan. Kahit magaputok ka man ay walang may makakarinig sayo. Kaya naman dinala ni Jacob, Alaister, at Rain ang dalawang bata. Pagdating nila sa nasabing lugar halos magningning ang mga mata ng dalawa sa sobrang tuwa at saya lalo na lahat ng sandata ay andoon. Kaya naman patakbong lumapit si Yun sa may mesa na may nakalahay na Baril at kinuha ito maliban kay Rain nagulat ang dalawa sa nakita sinundan nalang nila ang galaw ni Yun. Kaya naman mapapunta ito sa isang firing range. Tumayo doon at nagsimula itong tirahin ang bawat nakatayong puppet. At lahat ito may tama sa ulo. Nakanganga ang dalawang itlog na sina Alaister at Jacob na itinikom ni Rain isa-isa.

Nang bigla naman silang nakarinig ng boses ng isang maliit na bata ng lingonin nila ito si Ae pala na na may hawak na dagger at pinutirya din sa ulo ang mga puppet. Kaya naman mas lalong namangha ang dalawa kung bakit nakapa easy lang sa dalawa ang humawak ng sandata. Samantalang sila dati ay sobrang hirap. Next naman hinawakan ay ng katana kaya naman sa gulat ni Jacob at Alaister bigla itong humarang.

"Ok! Ok! Wait! Ok na kami sa baril at dagger pero katana? Baka magkasugatan kayong dalawa at papatayin kami ni King. - Jacob.

" Oo nga naman babies wag na yan, masyado kasing malapit baka sumimplang at may matamaan sa inyo, mailibing kaming buhay ng ama niyo. - Alaister.

Habang si Rain ay natawa nalang sa inakto ng dalawang tukmol dahil sa di pa nila nakita ang dalawa kung papano ito laruin ang katana. Kaya naman pinuntahan niya ang mga ito sinabihan na wag pumagitna kung ayaw nilang mahiwa. Kaya naman napa-eeeekkk tuloy si Alaister.

"Aish! Wala pa ako balak mahiwa wala pa akong lahi." - Jacob.

"Oo nga tara na tumabi nalang tayo at manood. - Alaister.

At yon na nga ang nangyari naglaban ang dalawang maliliit na kambal na halos ikaluwa ng mga mata ng dalawang di pa alam ang tunay na galaw ng kambal kaya naman natatawa si Rain sa reaksyon ng dalawa at bigla itong bumaling sa kanya na para bang sinasabi ng mga mata nito ay "WTH? Ganyan ba kagaling ang mga yan?" kaya naman tumango-tango si Rain bilang pagsang-ayon. Kasi sa mga nakita nila para lang itong sumasayaw sa sobrang husay ng pagkahawak ng katana. At napaka seryoso ng bawat galaw ng dalawa na para bang alam na nito ang bawat bilang. Kaya naman napawow sila sa galing ng kambal na di nila akalain. Kasi ang akala ni Jacob ay parang bata lang na gusto maglaro kasi nabored na sa loob ng Mansyon. Pero iba ang nakita nila sobrang galing ng mga ito. At di sila makapaniwala na sa murang edad ng mga ito ay kaya nito humawak ng mga sandata. Lumingon ulit sila kay Rain at may mga matang nagtatanong kaya naman Rain making a mouth gesture and said. They are THE GENIUS TWINS. Kaya naman nganga na naman ulit ang dalawa. At ginaya ang sinabi ni Rain na Genius Twins. Hanggang sa mapagod na ang dalawa at tumigil ang mga ito at umupo. Kaya naman kumuha kaagad ng tubig si Alaister para bigyan ang dalawang maliit.

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon