Chapter 2

1.8K 84 3
                                        

Ica's POV.

Pumayag na ako sa kagustohan nilang mag-lolo na ampunin ako. Di ko na rin ginagamit masyado ang pangalan kung Veronica kundi mas kilala ako bilang si Ica (ayka). At noong pumayag ako sa kagustohan nila sobrang tuwa ng magkapatid at pati na rin si lolo dahil nakita niyang naging masaya na ulit ang mga apo niya. Kaya naman inasikaso kaagad ni lolo papeles ko para makaalis na sa lugar na yon at doon kami nanirahan sa France kasama ko si kuya Moon na siyang may hawak ng malaking kumpanya doon at isang fashion designer.

VILLAFUENTES VILLA.

Ang alam ng lahat ay patay na si Veronica dahil simula ng ipagtabuyan nila ito ay di anino di na nila ito nakita pa, pero may mga naririnig din silang patay na nga ito dahil nabundol ito ng sasakyan pero di na nila ito binigyan ng pansin para hanapin pa. At nagsasaya si Rea dahil wala ng naging sagabal sa kanila ni ex ni Veronica na si Jullius Lim.

FRANCE.
Ica's POV.

Ipinanganak ko ang dalawa kung anak na babae at lalaki kambal silang dalawa. Na sobra namang ikinatuwa ni lolo at ng mga kuya ko. Dahil nadagdagan na naman daw ang buhay sa pamilya at maging masaya na naman daw ulit ang bahay lalo na kapag may mga bata. At natuwa naman ako dahil di nila kami itinuring na ibang tao kundi tinuring nila kaming tunay na kaanak at sobrang swerti ko sa kanila dahil di sila napagod sa aming mag-ina.
At ito ako ngayon ako na ang may hawak ng main branch namin dito sa France kasi binigay na sa akin ni kuya Moon ang CFD company na ito (COLLINS FASHION DESIGNER).
Kasi marami na kaming branch dito sa France, kaya naging busy na si kuya Moon. Noong una gusto ni kuya na ako ang magiging model dito pero di ako pumayag dahil baka matunton pa ako ng mga Villafuentes at gugulohin ang buhay naming mag-iina. Pumayag naman si kuya Moon sa gusto ko kaya sabi ko magtrabaho nalang ako sa company. Una ayaw niya talaga pumayag pero nagpumulit ako kasi nabobored na din ako dito sa napakalaking bahay na ito tapos malalaki na din mga anak ko. Kaya pumayag na siya na magtrabaho ako. At tinapos ko na din pag aaral ko dito sa France. Dahil sa maimpluwesya yong pamilyang kumopkop sa akin naging madali lang ang flow ng naging buhay ko dito sa france.
At dahil successful na kami dito ni kuya gusto ko ng umuwi sa Xcity. Gusto ko bumisita sa lugar kung saan ako nangaling at handa na akong harapin ang mga kinakatakotan ko.

Sigurado kana ba diyan sa desisyon mo babyprincess? Tanong ni kuya Moon sa akin.

Haist, hanggang ngayon binibaby nila akong lahat kahit na may baby na ako.

Opo kuya, sigurado na ako at saka wag kang mag-alala handa na din akong harapin kung ano mang sasalubong na pagsubok sa amin ng mga anak ko. Isa pa andiyan naman kayo e, di ba? Panlalambing ko sa kay kuya Moon habang hawak hawak bisig niya. Kasi ayaw talaga nito mapahamak kaming mag-iina.

Oh siya sige, tatawagan ko lang sila kuya para alam nilang uuwi kana sa xcity. Sabi ni kuya Moon, kaya naman napatalon ako sa tuwa.

Mommy, bakit po kayo masaya? Tanong ng biglang pasok na si Ae ang anak kung babae. Ang cute talaga. Kaya kinurot ko kunti. Kahit ako na ina mapapatomboy ako sa anak ko sa sobrang cute at ganda na di ko alam kung nagmana ba sa akin.
Kasunod naman si Yun. Mommy masaya ka ata anong mayron mommy? Tanong ni Yun sa akin.
Si Yun ang matured mag-isip sa dalawa si Ae naman ay yong tipong lahat makukuha niya sa isang pagpacute lang di mo siya mahindian.

Oo naman mga anak, dahil uuwi na tayo doon sa xcity kung saan andoon si lolo Arthur niyo at saka doon din ipinanganak si mommy kaya uuwi tayo doon at doon na din kayo magpatuloy ng pag-aaral. Sabi ko sa dalawa.
Kaya tuwang-tuwa naman sila ng mabanggit ko ang lolo Arthur nila, kasi minsan lang talaga mapadalaw si lolo dito dahil sa katandaan na niya ay di na siya masyadong nakakapagbiyahe ng malayo. Kaya kami na ang uuwi doon sa Xcity.
Kahit naman ganito na mga anak ko advance na yong pag-aaral nila dito kasi naka home study sila dito sa France. At dahil sobrang talino nila mabilis din silang natuto.

Ica halika dito mag usap na muna tayo. Tawag sa akin ni kuya Moon.
Opo kuya andiyan na. Sagot ko.
Pumasok na ako sa study room dito sa bahay at nag-usap kami, tapos na pala niyang tawagan sila kuya at tuwang-tuwa daw ang mga ito sa pagbabalik namin at lalo na si lolo. Pero nakita ko malungkot si kuya Moon kaya tinanong ko siya.
Kuya ayaw mo ba kami umuwi sa Xcity?

Di naman sa ganun Ica natatakot lang kasi kami na baka bigla mo kaming iwan kapag may makuha kanang impormasyon sa mga magulang mo or kung sino ka ba talaga. Sagot ni kuya na may pag-alala.
Kuya, di ako aalis sa inyo mahal na mahal ko kayong lahat di na kayo naiba sa akin at manatili ako sa inyo kahit ano man ang mangyari, wag kang mag-alala kuya dahil di ko kayo iiwan or namin ng mga anak ko.
Kaya ngumiti siya sa akin at niyakap niya ako. At niyakap ko siya pabalik.
Basta susunod nalang ako at para sama-sama na tayong lahat doon sa Xcity. Sabi ni kuya.
Kaya natuwa ako sa narinig...
Paano ang kumpanya dito kuya?
Anytime pwede ko naman puntahan gaya ng ginagawa ni kuya Leo sa states... Kapag importante na talaga ay siya na mismo ang pupunta at mag-asikaso at pwede ko rin gawin dito. Sagot ni kuya sa akin kaya mas lalo ako natuwa sa mga narinig ko na sama-sama na kaming lahat. At niyakap ko siya ng mahigpit.
Oh anong klaseng yakap yan para namang di na tayo magkikita niyan. Sabi ni kuya.
Humagikgik nalang ako at umalis na, mamis ka namin at sumunod ka kaagad ha?
Oo susunod din ako aasikasohin ko lang tong maiwan ko dito. Sabi ni kuya.
Sige kuya.
At saka mag-impake na kayo kasi bukas na din ang alis niyo. Pahabol pa ni kuya kaya naman tumakbo na ako paalis ng room at sinabihan na ang dalawang anak ko na mag impake na rin sila ng mga kailangan nila sempre kunti lang naman di naman pwedeng dalhin lahat, at saka may naipon naman din ako kaya kayang-kayang ko na silang bilhan ng gusto nila pagdating sa Xcity.

Kahit naman na mayaman ang kumupkop sa akin di ko pa din iniasa sa kanila lahat. Nagtatrabaho pa din ako. Yong mga anak ko sobrang inispoild nilang lahat lalo na si kuya Jun na halos gusto bilhin na buong mundo para mabigay lang sa kambal. Pero sempre ayoko ng ganun kaya pinigilan ko si Kuya Jun. Kasi mas gusto ko pa din matuto ang mga anak ko kung gaano kahirap kitain ang pera na di ganun kadali maghanap at kailangan pagtrabahoan mo bago mo makuha gusto mo. Pero minsan natatalo pa din ako sa mga kuya ko kasi nga bakit daw kailangan magtrabaho e may pera naman daw at ano daw ba gawin sa pera e gamitin daw. Kaya minsan sumasakit talaga ulo ko sa kanila dahil sa pakikipagtalo ko sa kanilang lima.
Kaya minsan hinahayaan ko nalang din. Pero di ko sila pinasobrahan kasi kailangan alam din ng mga anak ko kung anong meron sa mundong ito na dapat matuto silang rumispeto, humble, kind, at higit sa lahat ay yong mahalin nila si lolo at mga tito nila at sempre pati na rin ako.
Sobrang swerti ko sa mga anak ko dahil sobrang sweet nila sa akin at sa amin lahat. Mapagmahal ang mga anak ko. Minsan nga lang sa sobrang advance ng mga utak nila pati ako di ko na halos sabayan mga utak nila. Di ko na masabi kung nagmana ba talaga sa akin ang mga anak ko samantalang ako ang nagbuntis sa kanila pero bakit feeling ko wala man lang naman sa akin ang mga ito? Nakapa unfair talaga,bohoho!

Habang nagmunimuni ako ay biglang pumasok ang dalawa kung kayamanan.

Mommy! Sabay nilang tawag sa akin at pasok tapos nagpakandong.
Oh bakit may kailangan ba ang mga anak ko sa mommy nila?
At bigla silang humalik sa akin sa pisngi ng sabay-sabay. At hinalikan ko na din sila sa labi nila. Si Yun ayaw na pahalik sa labi kasi daw malaki na siya pero ayoko kasi baby parin tingin ko sa kanya.
Mommy, naman I'm big na oh, see? Tapos hahalikan mo pa ako sa labi.
Maktul ng mahal na prinsipe.
Asus, ikaw parin ang baby ni mommy yun. Kahit malaki kana baby ka parin ni mommy kaya alagaan at wag mong pababayaan si Ae ha. Mahalin mo itong kapatid mo.
Oo naman mommy, kayong dalawa ipagtatanggol ko kayo sa mga bad guy.
Kaya naman humagikgik nalang si Ae sa mga narinig niya. At sempre sinabihan ko din si Ae na wag matigas ang ulo at laging sumunod kay kuya Yun. Nagnod naman si Ae bilang pagsang-ayon. At sinanay ko din silang dalawa na palaging may morning kiss, afternoon and goodnight kiss sa labi. Kaya ganun kasweet mga anak ko. Kaya kahit na anong mangyari di ako papayag na may manakit sa kambal ko. Sila ang nagpapatibay ng loob ko at sila ang dahilan kung bakit ako lumalaban hanggang ngayon.

Mommy, can we sleep here beside you?
Of course babies. Sagot ko kaagad. Kaya natulog na kami kasi maaga pa kami aalis kinabukasan.

Habang tulog na ang dalawa di ko parin maiwasang mag-isip, paano kung biglang kunin sa akin ang mga anak ng ama nila? Pero nakahanda naman din ako sa mga mangyari at saka alam kung di ako iiwan ng mga anak ko. At di rin ako papayag na mawala sila sa akin.
At nakatulog na sa sobrang pag-iisip.







PLEASE VOTE AND COMMENT!

THANK YOU 🥰 😘

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon