Chapter 26

3K 124 143
                                        

Time pass by....

Maraming nangyari sa buhay ng kambal andoon na yong pakikipaglaban na hanggang ngayon ay di parin natuklasan ng kanilang mga magulang.

Nahuli din nila ang tunay na mastermind ng kidnapang naganap sa mag-ina. Kaya naman mismo si King ang nagkulong sa mga ito at pinahirapan nila ito sa isolated area kasama na doon si Rea. Gustong-gusto na ni King patayin ang dalawa ngunit nanaig parin sa kanyang isipan ang paghirap ni Ica noon na. Kaya triple ang igaganti dito. Kinulong nila ito at pinahirapan araw-araw at walang may nakakaalam kung nasaan ang mga ito. Lalo na at maimpluwensya si King sa Xcity kaya di mahirap na gawin ni King ang gusto niya sa mga taong nanakit sa pamilya niya. Habang ang mga Villafuentes naman ay wala man lang mahanap na lead kung nasaan ang mag-asawang Julius at Rea.

"Urrgh!!! Sigaw ni Rea at Julius sa napakadilim na kwarto na kung saan doon sila itinali na parang hayop. Binugbog na naman ito ni King. Habang nakatakip ang mukha ni King.

" Sabihin niyo sa akin sino ang nag-utos sa inyo na ipapatay si Veronica? Utos na tanong ni King sabay wasiwas ng latigo sa katawan ng dalawa. At tanging sigaw ng mga ito ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan.

Dugoan na ang dalawa pero di pa rin ito nagsalita.

"Please who are you? Bakit ka galit sa amin? At sino ka ba para pakialaman buhay namin ni Veronica? Isa siyang salot, mang-aagaw sa buhay na meron ako kaya nararapat lang sa kanya ang mamatay! Sigaw na sagot ni Rea kahit nahihirapan na itong magsalita.
Kaya naman nakatikim ulit ito ng latigo sa katawan. At wala itong magawa kundi ang sumigaw sa sakit.

"Ayaw niyo talaga magsalita? Well, tingnan natin kung makakatagal pa kayo sa ganitong sitwasyon niyo." King using voice changer"

Tumalikod ito at sinarado ulit ang dungeon na kung saan andoon ang dalawa. Pinabantayan ito ni King ng maigi at may mga camera din ito sa loob at labas at lahat ng angulo may nakatutok na camera dito.

One month later.....

Biglang napabalikwas si Ica sa higaan nilang mag-asawa ng sobrang aga. Kaya naman sa sobrang alerto ni King pati ito ay napabangon din. Habang si Ica ay dumiritso ito sa banyo at naduduwal na ito. Kaya naman sinundan ito ni King.

"Ica, are you okay, Love? What happened, what did you eat yesterday? King asked his wife in a worried tone. Kaya pumasok siya at hinagod ito sa likoran habang nagsusuka na ito sa bowl.

Naawa si King dito kaya dali-dali nitong kinuha ang cellphone para tawagin ang family doctor nila.

Binalikan niya si Ica sa loob ng banyo at nakaupo ito sa ground habang ang ulo ay idinantay sa bunganga ng bowl at hinang-hina na ito, pinagpawisan na rin at nagbabadya na naman itong susuka. Hanggang sa sumuka na ulit ito. Naawa na si King dito. Di niya alam kung anong nangyari kay Ica. Nang matapos na itong magsusuka. Binuhat nalang ni King papuntang higaan at pinahiga, kitang kita sa mukha nito ang paghihirap. Kaya naman inalis ni King ang mga buhok nito na nakatabon sa magandang mukha nito. At kiniss sa noo.

"Don't worry paparating na yong doctor. King.

Tumango lang si Ica.

Tok! Tok! Tok!

" King papasok na kami. Jake.

"Yes please, come in. King.

Pumasok na ang doctor at sinuri na nga si Ica. Habang nakatulog ito sa sobrang pagod ng pagsusuka niya. Lumabas sila ng room at pumunta sa library at doon ni King kinausap ang doctor. Pero bago niya iniwan ang kwarto nila siniguro niya munang maayos ang pagkahiga ni Ica at kinumotan niya ito.

"Doc,what happened to my wife, is she in danger? King asked with those knitted eyebrows.

Ngumiti lang ang doctor at sinabing wag mag-alala dahil di naman malala ang nangyari kay Ica, and the doctor also said na kailangan niya alagaan si Ica dahil sobrang silan nito sa pagbubuntis. And Ica is Four weeks pregnant.

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon