Pauwi na sila Rain at Ica...
Collins Villa
At naabotan nilang kalaro ng lolo nila ang kambal na masayang masaya ang mga ito.
Sinalubong kaagad sila ng kambal at binuhat naman agad ito ni Rain.Tito Rain, kamusta naman po yong lakad niyo maganda po ba yong bagong school namin ni kuya Yun? Tanong ni Ae.
Oo naman princess at sigurado akong magugustohan niyo doon ng kuya mo.
Excited na ako pumasok sa bagong school at magkakaroon na kami ng kaibigan ni kuya Yun.
Oo naman ikaw pa, at maraming magkakagusto sa prinsesa namin bukod sa mabait na super ganda pa. At paniguradong mapapaaway si tito at kuya Yun para ipagtanggol ang prinsesa namin kung paiiyakin nila. Sabi ni Rain.
Kuya Rain wag mo ngang sabihin yan sa mga anak ko ikaw talaga. Sabat ni Ica.
Totoo naman yon kapag pinaiyak nila itong prinsesa namin makakatikim sila sa amin ni Yun.
At nag apir na ang magtito dahil sa pagsang-ayon nito. Na ikinasakit ng ulo ni Ica Dahil pati si Rain nagiging bata na rin. Sinasabayan niya itong kambal sa kalokohan niya kaya minsan nababatukan ni Ica dahil kahit na ano-ano nalang itinituro dito.
Oh siya tama na yan pumasok na kayo sa loob, at para makapagtanghalian na tayo. Sabi ni lolo at tumayo na din para pumasok.
Ica's POV.
At pumasok na kaming sabay-sabay.
Dumiritso na ako sa room ko para magbihis
At ganun din ang ginawa ni Kuya Rain para makapgbihis at sabay-sabay na kaming kumain lahat.At kaming apat lang kasi wala na dito sina kuya Leo at Kuya Jun. Nasa opisina na silang dalawa.
Naiisip ko pa din kung sino ang ama ng kambal ko kaso wala akong ideya sa mukha ng ama nila at ayaw ko na din itong pag-usapan pa dahil naging part ito ng masalimoot kung nakaraan pero nagkaroon naman ito ng bunga na siya kung ngayong kayamanan. At tuwing maisip ko ito, nakakaramdam bigla ako ng takot at mga katanungang di ko alam ang kasagotan.
Minsan naisip ko kung paano kung bigla nalang lilitaw ang ama nila at kukunin sila sa akin. Paano na ako, di ko kayang mawala yong dalawa kung anak sa akin. Mahal na mahal ko ang mga anak ko.Tok! Tok! Tok!
Mommy, bumaba kana ikaw nalang hinihintay...
Tawag sa akin ni Yun.
Sige anak bababa na si mommy.
Naabotan ko siyang naghintay sa labas ng pintoan.
Mommy, may iniisip ka po ba? Kasi palagi nalang kitang nakikitang panay hinga mo ng malalim may problema kaba mommy? Tanong ni yun habang pababa kami.
Kaya binuhat ko siya.
Ah... Wala yon anak marami lang akong iniisip sa ngayon. Kaya wag kang mag-alala kay mommy ha? Ok?
Opo mommy, kaso di lang namin maiwasan ni Ae na mag-alala sayo. Alam naming may bumabagabag diyan sa isipan mo, at ayaw naman naming tanungin ka baka mas lalo ka lang malungkot. Sagot ni Yun.Kahit sobrang bata pa ng mga anak ko alam nila na may mga pinagdaanan ako. Kaya di na rin nagtangkang magtanong pa sa akin ng tungkol sa ama nila, kahit alam kung gustong-gusto nila itong makilala. Pero papano ko nga ba ipakilala kung ako mismo ay di ko rin kilala. Sigh!
Lunch!
So kamusta ang lakad niyo ni Rain iha? Ok ba yong school ng mga apo ko?
Oo naman lolo kaso sobrang mahal pala doon di ko ata kayang bayaran yon.
Iha naman, ilang beses na ba naming sabihin sayo na wag mo ng isipin ang mga yan kasi tinuring ka naming pamilya lalo na mga anak mo.
At saka isa pa kaibigan ko ang may-ari ng Frost Kids Castle na yon.
BINABASA MO ANG
My Genius Twins (ON-GOING)
RomanceMahahanap kaya niya ang ama ng kanyang kambal na anak? At paano kung ang ama ng kanyang mga anak ay isa itong underground king at isa itong bilyonaryo at nakaktakot na tao sa X city? Kaya kaya niyang harapin ang isang nakakatakot na nilalang sa X ci...