Chapter 14

1.5K 87 75
                                    

......................

Abandoned Place

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abandoned Place.....

Dumating sila King at Jun at mga kasamahan nito sa lugar na binigay ni Rain ang lugar kung saan dinala si Ica at mga bata. Natunton sila dahil sa tracker na nasa dalawang bata. Kaya naman dali-daling lumabas si King bitbit ang baril nito at dahan-dahang pumasok kasama ang mga kasamahan. At may nakita silang mga tao kaya nagtago sila kaya naman gumawa ng paraan ang pito na makapasok kaya naman senyas nalang at para di sila makagawa ng ingay para di sila makita ng mga nakabantay. Habang si Jake ay nasa malayo lang nagtatago ito at naghahanap ng kung sino ang unang titirahin gamit ang sniper na bitbit niya. At biglang nakalusot si Laurence sa likoran ng bantay at binalian ito ng leeg at saka sinaksak sa dibdib ng walang awa. Hanggat may taong nabuhay sa abandonadong lugar na yon ay di nila pwedeng palampasin dahil lahat sila ay walang maskarang takip sa mukha. Kaya dapat walang matirang buhay sa lugar na yon. At sumunod na si King papasok sa loob kasama si Jun at Henry. Nakabantay at alerto ang lahat. At nakita na sila ng mga kalaban at pinaputokan sila buti ang mabilis ang mga reflections nila at nakapagtago kaagad at walang natamaan sa kanila. At pinaputokan ito ni King at tinamaan ito sa dibdib. At nagkaroon na ito ng palitan ng bala sa loob ng lugar na yon at may biglang lumabas na isang nakaitim na tao na nakatakip ang mukha at pinaputokan niya kung saan sila King nakatago at saka nag-utos ito sa mga tao na paputokan sila at tumalikod ito at duda si King na ito yong Mastermind ng kidnapang naganap gusto sana niya itong habulin ngunit mas kailangan siya ngayon ni Ica na di niya alam kung saang kwarto ito nilagay ng mga kalaban nila. Kaya naman gumawa ng way ang mga kasama ni King na makaakyat sa taas at doon nila narinig ang sigaw ng isang batang babae at di sila nagkakamali bosese yon ni Ae kaya naman mas lalong kinabahan si King at Jun at nagmamadali itong makalusot sa mga kalaban kaso di ito mabilis maubos kaya panay palitan lang ng baril hanggang sa naubos nila itong mabaril at saka dali-daling umakyat si Jun at King sa kung saan nila narinig ang sigaw ni Ae at narinig nila itong tinatawag ang mommy nito. Kaya halos talunin na ni King ang palapag makarating lang kaagad sa lugar na yon. Kaya ng sipain ni King ang kwartong iyon biglang sigaw ni Ae ng malakas habang umiiyak at nagmamakaawa ito na wag saktan ang mommy niya at pati na rin si Yun.

"Please don't, please don't! Don't hurt mommy please! Iyak na iyak na sigaw ni Ae akala niya ang pumasok ay ang mga taong bumogbog sa mommy niya. Kaya nanlumo si King sa nakita sa mga anak na nakagapos ito nakatakip ang mga mata at maraming galos at dugoan ang mga kamay nito nilapitan kaagad ito ni Jun at ng lumingon si King sa kabilang banda doon niya nakita si Ica na nakahandusay sa sahig na dugoan at di na ito gumagalaw at wala na itong malay di halos makahinga si King sa nakita tumulo bigla mga luha niya sa sinapit ni Ica na nakagapos ang mga kamay nito at may takip ang mata habang dugoan ang ulo at bunganga. Halos di na makilala ni King si Ica. Kaya patakbo niya itong nilapitan at niyakap.

"Ica, Ica? Please hang in there! Ica please stay with me, please! Iyak ni King.

Ngayon lang nakita ng lahat ang kahinaan ni King ang umiyak na parang batang nawalan ng ina. At napuno na din ng dugo ang damit ni King mula kay Ica.

My Genius Twins (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon