CHAPTER 23

242 15 2
                                    

SPG WARNING !

JIMIN'S POV

"Jimin, gisingin mo na si Jungkook at kakain na tayo" utos ni Tito habang nireready ang mga pagkain.

"Sige po" sagot ko tsaka patakbong pumunta sa kwarto ni Jk. Kumatok muna ko pero hindi niya binubuksan kaya pumasok nalang ako dahil hindi naman nakalock.

Nadatnan ko siyang tulog pa din kaya kinulbit kulbit ko siya para magising

"Jungkook? Gising na, kakain na tayo" sambit ko at naisipan ko siyang kilitiin sa leeg para magising pero natigilan ako nung maramdaman kong mainit siya?

"Jungkook?" sambit ko ulit at tsaka ipinatong ang palad ko sa leeg niya para icheck ulit at mainit talaga siya!

"Ano ba?" biglang sagot ni Jk at tsaka nagpagulong gulong muna sa higaan at umanat tsaka dahan dahang iminulat ang mga mata. Natigilan siya nung makita ako at tsaka umupo sa kama.

"May sakit kaba?" nag-aalalang tanong ko at takang tiningnan niya ko.

"Wala, bakit ba?"

"Ang init kasi ng temperature mo"

Agad niyang hinipo ang leeg niya pero wala man lang siyang naging emosyon, bumangon nalang siya at tsaka tumingin ulit sakin

"Kung meron man, wala ka ng pake" huli niyang sambit at tsaka nauna ng lumabas ng kwarto. Napapailing na sumunod nalang ako papuntang dining area.

Minsan naiisip ko nalang na kelan kaya ako matututunang patawadin ni Jungkook? Pero Hindi nalang ako aasa dahil never na ata yung mangyayari

"Jungkook, may meeting daw kayo mamaya kay Mr. Lee, gusto ka niyang maka business partner kaya pakitunguhan mo siya ng ayos" sambit ni Tito. Napatingin ako kay Jk pero tulala lang siya at hindi nakikinig sa sinabi ni Tito.

"Uhm... Tito, masama po pakiramdam ni Jungkook, pwede bang wag mo muna siya papasukin?" sabat ko.

"May lagnat ba si Jungkook? Anong nangyari at nagkasakit siya?"

"I don't know din po"

"Sige" bumaling si tito kay jk. "Jungkook?"

"Jungkook!" sambit ko din at bumalik naman ito sa wisyo at tsaka napatingin sakin at kay tito.

"B-bakit po?" taka niyang tanong.

"Masama daw pakiramdam mo sabi ni Jimin" napatingin sakin saglit si Jk nung sabihin yun ni Tito pero umiwas din agad siya.

"Ayos lang po ako, mawawala din to"

"Wag kana munang pumasok baka mabinat kapa, ako nalang makikipag meeting kay Mr. Lee, magpahinga ka muna"

Napatango nalang si Jk at tsaka na nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko na yung mga maid na mag ayos ng pinag kainan namin at tsaka ako pumunta sa kwarto ko para maligo

Mabilis na nagbihis ako at tsaka pumunta sa may garahe namin at kinuha ang luma kong motor, ngayon ko nalang ulit to magagamit. Pupunta ko sa may butika para ibili si Jungkook ng gamot

Agad na kong sumakay sa motor ko at tsaka mabilis na pinaandar to patungo sa butika.

Mabilis lang akong nakadating sa may butika kahit traffic dahil nakakalusot naman ako sa mga sasakyan. Ibinili ko si Jungkook ng gamot para sa sakit niya at may nabili naman ako.

Dumaan na din ako sa may grocery para bumili ng pagkain at inumin tsaka na ko mabilis na umuwi sa bahay. Inayos ko muna ang mga pinamili ko bago ko tuluyang umakyat at pumunta sa kwarto ni Jk.

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now