CHAPTER 8

261 15 5
                                    

Ilang araw kong hindi kinausap si Sir Jungkook, alam kong nakakabastos isipin na boss ko siya tas ginaganto ko siya pero kasi naman may mali din siya. Payag ako kung tatanggalin niya ko sa trabaho dahil sa inaasal ko sa kanya

KRING! KRING!

Rinig kong tunog ng telepono ni Sir Jungkook pero di ako lumingon at pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ng pangalan ni Sir sa mga dokumento

"Hello?" sagot ni JK. "Ano naman sakin kung bumalik na siya. I don't care". "Jin, pwede ba tigilan mo na ang pag papaalala sakin about sa kanya" inis na sabi ni Sir at tsaka padabog na ibinaba ang telepono.

Naalala ko yung binigay saking cellphone ni Sir na hindi ko pa ginagamit kasi nahihiya talaga ko, mamahalin e. Gagamitin ko nalang pag kailangan talaga

Swelduhan na pala namin bukas at magsisimula na kong mag-ipon ng pambili ng gamot ni Itay at pang gastos sa pag-aaral ko ulit

Narinig kong biglang tumayo si Sir Jungkook sa kinauupuan niya pero hindi ako lumingon, pero maya maya lang ay bigla siyang nagsalita

"I'm sorry for what happened nung mga nakaraang araw" sambit niya kaya nilingon ko siya.

"Kung patawarin man po kita, mabubura ba sa mga mata nung babaeng yun yung ginawa mo sakin?" panunukoy ko dun sa babaeng si thea.

"Okay, alam kong hindi na yun mabubura kay thea. Isipin niya na yung dapat niyang isi---"

"Ganun nga po e! Gusto niyo isipin na nung thea ang dapat niyang isipin dahil reputasyon ko naman yung masisira at hindi sa inyo!" pagsabat ko agad dahil naiinis na naman ako. Hindi agad nakapagsalita si Sir Jungkook at tinitigan lang ako.

"It's okay sir kung tatanggalin niyo ko sa trabaho ko dahil sa mga di na magandang inaasal ko sa inyo, kaya sabihin niyo na po kung tatanggalin niyo na ko para makapaghanap na ko ng iba kong trabaho" aalis na sana ko sa harapan ni Sir pero bigla niya kong hinigit pabalik sa harap niya.

"LISTEN TAEHYUNG! I'M SORRY, pero wala kong balak na tanggalin ka sa trabaho kasi..." napapikit pa si JK bago muling magsalita. "Hindi ko kayang mawala..."

"Ano pong hindi niyo kayang mawala?" tanong ko dahil iba na naman ang napasok sa isip ko na ayoko ng isipin pa.

"Uhm, i mean hindi ko kayang mawala sayo tong trabaho mo kasi marami kang pangangailangan na kailangan mong tustusan"

"Thank you for your concern sir pero kung uulitin mo pa yung ginawa mong paghalik bigla sakin nung isang araw, ako na po mismo ang magreresign" huli kong sambit bago umalis sa harap niya at ipinagpatuloy nalang ulit ang paglilinis sa office.

Tahimik na muli ang buong office at walang nagtatangkang umimik samin. Awkward man pero mas maigi na ito

Maya maya lang ay lunch break na kaya agad akong bumaba sa 1st floor at hinanap si Jimin na agad ko namang natagpuan na may kausap na isang babae

"Jimin!" tawag ko at agad siyang napalingon sabay ngiti, nagpaalam muna siya sa kausap niya bago ako lapitan.

"Ikaw na natawag sakin ngayon ah" biro niya at natawa kami parehas.

"Eh nasanay na kong kasama ka tuwing magla lunch e, so let's go!"

"Libre mo?"

"Kung may pera lang ako, araw araw kitang ililibre"

"Awts sabi ko nga"

Sabay na kaming naglakad palabas ni Jimin at nagpunta kami sa isang restaurant tsaka na umorder

"Ano okay kana ba?" tanong ni Jimin habang nagcecellphone.

"Saan?"

"Dun sa pagkawala ng inay mo at dun sa ginawa ni Jeykey?"

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now