~ KRING! KRING! KRING ~
Inis na pinatay ko yung alarm clock ko, aish ano ba yan inaantok pa ko. Napaupo nalang muna ko sa kama ko at napatingin ako sa may bintana kung saan may magandang langit
Agad kong kinuha ang cellphone ko para magpost ulit sa twitter. Pero nagulat ako nung bumungad sakin ang napakadaming texts ni Jungkook kaya agad ko itong tiningnan
7:30 pm
Jungkook:Hey Taehyung, where are you? Kanina pa ko naghihintay dito sa may park.
7:46 pm
Nasa biyahe kapa din ba? Giniginaw na ko.
8:00 pm
Please pumunta ka, gustong gusto talaga kitang makausap.
10:35 pm
Taehyung? Nandito pa din ako sa park at umaasang darating ka. Hindi ako aalis dito hangga't di ka nadating. Please magreply ka, kahit dito na ko matulog iintayin pa din kita
Nanlaki nalang ang mga mata ko sa message ni Jungkook, what the fvck? Iniintay niya talaga ko kahit gabing gabi na? Ano bang ginagawa niya aish. So nandun pa din siya hanggang ngayon
Dali dali akong naligo at nagbihis ng uniform ko pampasok. May kaunting oras pa naman akong natitira, kaya pupuntahan ko muna si Jungkook sa park dahil kailangan ko siyang pauwiin at baka mapano pa siya
Aish Jeon Jungkook! Bat ka ba ganyan, nakakainis.
Paglabas ko ng kwarto ko ay naabutan kong nagluluto na si ate. Kaya agad akong lumapit sa kanya
"Ate, aalis na po ako" sambit ko at napatingin siya sakin sabay ngiti.
"Aba, namiss kong makita kang naka uniform ah. Aga mo naman pumasok, excited?" natawa si ate pero ako hindi kasi wala ako sa mood pero pinilit ko nalang ngumiti.
"Kumain ka muna bago umalis"
"Wag na po ate, nagmamadali po kasi ako. Sa school nalang po ako kakain"
"Sure ka?"
"Opo"
Tumango nalang si ate kaya patakbo na kong umalis ng bahay at tsaka nag-abang ng taxi. May dumaan naman agad kaya agad akong nakasakay at nakapunta sa may park
Pagkapunta ko dun ay nagpalingon lingon ako habang hinahanap si Jungkook, nanlaki ang mga mata ko nung makita ko nga si Jk sa may fountain at parang giniginaw kaya tumakbo agad ako
"Jungkook!" tawag ko dahilan para mapatingin siya sakin at ngumiti.
"Taehyung? Bat ngayon kalang?" tanong niya.
"Hindi ba halatang ayokong makipagkita sayo kagabe kaya di ako sumipot, bat hindi ka pa din umuwi?! Ano bang gusto mo?!" inis na tanong ko at tumayo siya sa kina uupuan niya.
"Gusto lang naman kitang makausap"
"Pwes ako hinde! Kaya sige na umuwi kana dahil papasok pa ko sa school" tatalikod na sana ko pero biglang hinigit ni Jungkook ang braso ko dahilan para mapalingon ulit ako sa kanya.
"Please Taehyung, wag ka munang umalis. Mag-usap muna tayo"
Binawi ko agad ang braso ko sa pagkakahawak ni Jungkook tsaka ako tumingin sa kanya at hinayaan siyang magsalita
"Akala ko ba naniniwala kana sakin? Bakit parang galit kapa din?" tanong niya at napasinghal nalang ako.
Really? Hahaha di niya talaga alam kung bat ako ganto