CHAPTER 18

193 13 2
                                    

Jimin:

Jimin, where are you ???

Please come back

Hindi naman kita lalayuan kahit na aminin mo sakin sa personal na may gusto ka sakin

I miss you

Maaga kong gumising para lang itext si Jimin dahil umaasa ko na sana pagdating ko mamaya sa office ay nandun siya

Babangon na sana ko sa kama ko para maligo nung biglang tumunog ang cp ko kaya dali dali ko itong kinuha

Jungkook:

Taehyung, i'm sorry kung di ako makakapunta ngayon ng office. Tinawagan kasi ako ni Tita yung mommy ni athena na pumunta daw ako sa bahay nila at magpapractice kami ng pagsayaw ni Athena para sa birthday niya. Tatanggi sana ko pero may pinagsamahan naman kami ni Tita at ni Athena kaya pumayag na ko.

But don't worry pagkatapos nitong birthday ni Athena. Babawi ako sayo, i love you. Wag kang magpakapagod sa trabaho

Nalungkot ako sa message ni Jungkook. Dahilan para mapatulala nalang ako sa kisame

Ano ba yan wala na nga si Jimin pati ba naman si Jungkook magiging busy pa. Aaaaaah ! I hate this.

Walang ganang bumangon ako sa kama ko para maligo. Mabilis lang akong nakapaghanda at agad na kong pumasok.

Pagkadating ko sa office ay walang Jimin o Jungkook na sumalubong sakin. Ngayon ko lang nagrealize na napakalungkot ng araw kapag wala silang dalwa. Mahalaga na kasi sila sakin

Umakyat na ko sa may office ni Jungkook at tsaka naglinis nalang at tumingin tingin ng papeles. Sa paghahalikwat ko ng kung ano ano sa drawer ni Jk ay may nakita kong isang libro na parang diary. Dahil na naman sa curiosity ko ay agad ko tong kinuha

Luma na ito at halatang napapabayaan na, wala pa namang gabok pero may ilang page na sira na. Agad ko itong binuksan.

DIARY:

HELLO THIS IS MY DIARY. MY NAME IS JEON JUNGKOOK !

Kung sa mga magdadaang panahon ay may makakita nitong diary ko, gusto ko lang sabihin na ang gwapo ko :)

-------------

Natawa ko sa nakasulat sa diary. Grabe hanggang libro ba naman, ang hangin ni Jungkook.

Lalo ko tuloy napag interesang basahin yung laman ng diary na to. Kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagbuklat ng mga pages

-----------------------

11/01/2000

Today i'm here at my Mom and Dad grave. Napakalungkot ko ngayon kasi hindi ko na sila makakasama pa kahit kailan.

I have my only wish na sana sa langit ay magkabati at magka ibigan na ulit si Mom at Dad. At sana gabayan nila ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay sa mundong to ng walang gumagabay na magulang.

Iniwan na din kasi ako ng babaeng minahal ko ng matagal, but it's okay baka ito nga ang kapalaran ko, yung walang kahit isang magmamahal sakin at lahat iiwan ako.

                                5

Sabi sakin ni Tito kailangan ko daw mag-aral para sa future ko. Pero ano pang mapapala ng pag-aaral ko kung wala namang patutunguhan? Wala na naman si Mom and Dad diba? Wala nang patutunguhan ang kayamanan na matatamasa ko sa future life ko.

So i decided to stop studying

                                6

Hello, i'm back at pinayagan na ko ni tito na wag ng mag-aral pero pinagtatrabaho niya ko sa company na ipapamana daw sakin ni Daddy once na mawala siya.

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now