TAEHYUNG'S POV
TUESDAY 29
"Taehyung, gumising ka dyan!" rinig kong sigaw ni ate habang kumakatok sa pinto ko pero di ko iminumulat ang mata ko dahil inaantok pa ko at wala ko sa mood. "Hoy, gising! Bilis. May bisita ka!"
"Sino ba yon?" inis na sigaw ko.
"Basta lumabas kana lang dyan at kanina pa to nandito!"
"Hays, sige na wait lang" inis na bumangon ako sa kama ko at tsaka dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush tsaka na lumabas ng kwarto.
"Sino ba yang kay aga aga eh nambubulabog?" tanong ko tsaka na bumaba ng hagdan at nadatnan kong nakangisi si ate habang nakaupo sa sofa pero nagulat ako nung makita kong may katabi siya. Hindi si Jungkook, dahil babae. Nung maaninag ko na ang mukha nito ay nanlaki nalang ang mata ko. Shit, si Athena.
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko pero ngumiti lang siya.
"Taehyung, ayusin mo nga tanong mo! Bisita natin yan tas ginaganyan mo" suway sakin ni ate pero di ko siya pinansin.
"Goodmorning Taehyung" sambit ni athena tsaka tumayo mula sa kina uupuan.
"Ano bang kailangan mo sakin?" kalmadong tanong ko.
"May gusto lang akong sabihin sayo"
Napatingin ako kay Ate at tumingin din siya sakin at tsaka siya napatayo sa kina uupuan niya dahil alam niya kung anong pinahihiwatig ko.
"Sige Athena" bumaling siya kay Athena. "Maiwan ko muna kayo ah" sambit niya at tumango lang sa kanya si Athena tsaka siya tumingin sakin at lumapit at bumulong. "Ayusin mo pakikipag usap mo sa girlfriend mo ah"
WHAT THE--- FVCK FVCK FVCK
"She is not my Girlfriend! What the fvck are you sayin'???" Sigaw ko at napa aray nalang ako nung bigla kong kurutin ni ate sa tagiliran.
"Wina watdapak mo na ko dyan ha! Lagot ka sakin mamaya" pagbabanta niya tsaka umalis. Napaerap nalang ako at napabaling kay Athena na natawa na ngayon.
Tinatawa tawa mo dyan? Tss.
"Sa labas tayo mag-usap" sambit ko tsaka na nagpama unang lumabas ng bahay. Naramdaman ko namang sumunod si Athena sakin.
Hinarap ko agad siya pagkadating namin sa labas. "What do you want from me?"
"May gusto lang akong sabihin sayo"
"Sabihin mo na agad dahil busy ako"
Nakita ko ang paglunok niya bago muling magsalita. "Gagawin ko to dahil nangako ako kay Jungkook at dahil thankful ako na napatawad niya na ko"
Naguluhan bigla ako sa sinasabi ni Athena. Ha? Anong nangako siya kay Jungkook at napatawad na siya nito?
"Ano bang sinasabi mo? Diretsuhin mo na ko" naguguluhang tanong ko.
"Taehyung" biglang hinawakan ni athena ang dalwa kong kamay at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "I'm sorry, walang kasalanan sayo si Jungkook. Hindi ka niya niloko"
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Athena. Naguguluhan ako. Di ko alam kung anong magiging reaction ko
"I'm sorry kung sinabi kong nagkabalikan kami ni Jungkook kahit hindi naman talaga. Gusto ko lang kayong pag awayin that time dahil nagseselos ako sayo" biglang napatungo si Athena at nabitawan ang kamay ko. "Alam kong mali yung ginagawa ko nung mga panahong yun pero wala kong magagawa, nabulag ako ng pagmamahal"
Naikuyom ko nalang ang dalwa kong kamao dahil sa mga nalalaman ko ngayon kay Athena. Tang*na nagalit ako kay Jungkook sa kasalanang hindi niya ginawa ?!?!