CHAPTER 11

237 15 1
                                    

"Taehyung, i love you at hindi ko din alam kung paano kita nagustuhan" dagdag niya pa.

Hindi ako makapagsalita ngayon at naguguluhan na ko sa mga sinasabi ni Sir Jungkook.

"Wala akong balak aminin sayo tong feelings ko pero ayokong mapunta kay Athena dahil gusto ko kung maiinlove ulit ako ay sayo na" sambit niya pa at kumuyom nalang ang kamao ko.

"SHUT UP! Sana hindi mo nalang inamin tong nararamdaman mo sakin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko!" sigaw ko at wala na kong pake kung magtinginan na samin ang mga tao.

"Taehyung please..."

"Sorry but i can't love you back Sir Jungkook" lalakad na sana ko palayo sa kanya pero bigla siyang may sinambit na nakapagpatigil sakin.

"You can't love me back because you are already in love with Jimin?"

Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa tanong niya kaya napatulala nalang ako

"See? Di ka makapagsalita dahil siya nga ang mahal mo" dagdag niya pa at inis na lumingon na ko.

"So what? Ano sayo kung siya man ang mahal ko?" napatigil ako sa sinabi ko dahil baka iba ang pumasok sa isip niya.

"So, in love ka nga sa kapatid ko?" nakita ko ang pag igting ng panga ni Sir Jungkook at kumuyom ang kamao niya.

"No! I'm not in love with Jimin" sambit ko.

"Tss" singhal ni Sir Jungkook bago maglakad papalayo sakin. Hindi ko alam kung susundan ko siya para magpaliwanag dahil mali ang iniisip niya pero mas maganda na din yun para layuan niya na ko.

Napailing nalang ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Dali dali nalang akong nag abang ng sasakyan para makauwi na at makapagpahinga

Nakasakay naman ako agad at nakarating ng mabilis sa bahay.

"Oh Taehyung, bakit ngayon kalang?" tanong ni Ate.

"Ngayon lang po nagbalak umuwi yung mga kasama ko" walang ganang sagot ko dahil pagod na ko.

"Ah sige na magpahinga kana at birthday bukas ni Dyna diba? Kaya maggagala tayo pagtapos ng work mo"

Ah shit. Birthday nga pala ni Ate dyna, i forgot na dahil sa dami ng iniisip. Pilit na ngumiti nalang ako kay Ate at tsaka na pumunta sa kwarto ko

Agad akong tumalon sa kama ko at nagpa ikot ikot

Aish! Sir Jungkook! Bat ako pa ang nagustuhan mo? Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagkita ulit tayo. Sobrang awkward na nito!

*BRIZK!*

Napatigil ako sa pag ikot nung biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya dali dali ko itong kinuha at nagtext sakin si Jimin

Jimin-ssi

Hey, nasa bahay kana ba? Ngayon lang ako nakauwi kasi nag grocery pa ko. I wish you are safe! Kwento mo sakin bukas kung anong pinag usapan niyo ni Jungkook ha? Goodnight :>

Paano niya nalaman ang number ko? Pati may number niya na din ako at may pangalan na din. Wow naman.

Hindi ko na nireplayan si Jimin dahil wala ako sa mood. Nakatulala ako ngayon sa bubong at nag-iisip ng walang kwentang bagay

"You can't love me back because you are already in love with Jimin?" -Jungkook

In love nga ba talaga ko kay Jimin? Oh nadala lang ako sa emosyon ko kanina? Hayst! Hindi ko na alam. Para sakin kaibigan lang ang turing ko kay Jimin at kay Sir Jungkook ay boss lang

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now