"Why are you here?" nakangiting tanong ni Jimin sakin tsaka siya umupo sa tabi ko.
"Ah sinama ko ni Sir Jungkook e" sagot ko sabay ngiti. Ewan ko pero nung makita ko si Jimin ay gumaan ang pakiramdam ko.
Pero walang malisya yon, namiss ko lang pangungulit niya
"Ikaw? Bat ka nandito?" tanong ko pabalik.
"Tumulong ako sa paghahanda para sa pool party ni Jin kaya di ako pumasok sa office" sagot niya at tumango tango ako. Kaya naman pala.
Bigla kong muling naisip yung sinabi sakin ni Mr. Jeon kanina na magkapatid sa ama si Jimin at Jungkook, tatanungin ko sana si Jimin kaso bigla itong tumayo
"Tara ng kumain, i know na gutom kana" aya niya kaya sumama nalang ako kasi wala naman akong kakilala dito at makakausap maliban kay Jimin. Hindi ko nalang muna inisip yung nalaman ko tungkol sa kanila ni Jk.
Pumunta kami ni Jimin sa may dining area at kumuha ng mga handa.
"Damihan mo ang kuha mo ng pagkain para sulit punta mo dito" nakangiting sabi niya habang nakuha ng shanghai.
"Ah haha, di naman ako malakas kumain"
"Sus kunwari kapa"
Natawa nalang ako sa sinabi ni Jimin at kumuha na din ako ng pasta pati tinapay pinuno ko ito ng palaman na strawberry jam kasi mahilig ako dito
Pagkakuha namin ni Jimin ng pagkain ay naupo na kami sa may sofa kung san kami nakaupo kanina
Habang tumatagal ay nadami ang nagdadatingan na tao, puro mayayaman at kilalang tao ang mga nakikita ko. Nahiya tuloy ako bigla dahil feeling ko di ako welcome dito
"Kamusta na ang nanay at tatay mo? Nabili mo naba sila ng gamot?" tanong bigla ni Jimin.
"Ah oo, salamat talaga Jimin ah babaya---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung magsalita siya ulit.
"Diba sinabi ko naman sayo na wag mo ng bayaran"
"Pero---"
"Ipilit mo man sakin yung perang ibabayad mo hindi ko naman yun tatanggapin"
Ewan ko pero napatitig nalang ako sa mukha ni Jimin na parang isang anghel, napakabait niya talaga at ang swerte ng magiging girlfriend niya
Kumain nalang muli ako at sa hindi inaasahan ay napatingin ako sa gawi kung saan nakaupo si Jungkook, nagulat ako nung makita kong nakatingin din siya sakin habang seryoso ang mga mukha. May katabi siya ngayong dalwang babae na dikit na dikit sa kanya pero di siya katulad ni Jin na inaaliw ang mga ito
Kanina pa kaya siya nakatingin sakin? Tss imposible, baka napatingin lang din siya
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at tsaka na ulit kumain. Pagkatapos namin ni Jimin ay inaya niya naman ako na magswimming daw kami pero tumanggi ako dahil wala kong damit pero pinilit niya ko at sinasabing papahiramin niya ko ng damit kaya pumayag nalang din ako
"Marunong kabang lumangoy?" natatawang tanong niya.
"Oo naman, minamaliit mo ba ko?" may tonong pang hahamon na tanong ko.
"Hindi ah! Naninigurado lang baka kasi mamaya malunod ka" at tumawa siya ng parang nang aasar. Ngumisi nalang ako at tsaka naunang tumalon sa pool at narinig kong sumunod din siya.
Ngayon nalang ulit ako nakapag swimming kaya di ko alam kung marunong pa talaga ko
Lumangoy lang ako ng lumangoy hanggang sa maramdaman ko na ang pader o harang ng swimming pool kaya dahan dahan na kong umahon, laking gulat ko nung makita ko si Jungkook na nakangising nakatingin sakin. Kasama niya si Jin at Jhope