CHAPTER 14

259 18 2
                                    

7:00 AM

Agad na kong bumangon sa kinahihigaan ko at tsaka naligo. Habang nagbibihis ako ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha

Jungkook:

Goodmorning, don't skip your breakfast.

Napangiti nalang ako sa text ni Jungkook, gusto ko man siyang replayan pero wala akong load

Agad na kong lumabas ng kwarto ko at nadatnan ko si Itay na nanonood ng T. V habang si ate ay nagluluto

"Goodmorning po itay, ang aga niyo naman pong manood ng tv" sambit ko at tsaka nagmano sa kanya.

"Paano kase itong ate mo, ginising agad ako at kakain na daw pero tingnan mo magluluto palang" natatawang sagot ni Itay at natawa din ako.

"Sige po aalis na ko itay"

"Ha? Hindi kaba muna kakain bago umalis?"

"Sa office nalang po ako kakain"

"Hoy Taehyung ! Kumain ka muna!" sigaw ni ate.

"Sa office nalang po ako kakain!" sigaw ko din at tsaka na umalis kasi pipilitin lang ako ng pipilitin ni ate.

Ewan ko ba pero hanggang ngayon busog pa din ako, ang dami kasing pinakain sakin kagabi ni Jungkook

Mabilis lang ulit ang naging byahe ko patungong Office. Pagdating ko dun ay nakita ko agad si Jimin kaya agad ko siyang nilapitan

"Goodmorning Mr. Park Jimin" bati ko at napangiti siya.

"Ganda ng gising mo ah, anong meron?"

"Wala naman, gusto mo ba na lagi akong nagsusungit sayo?"

"Ayoko, para kang tigre na nakawala sa kulungan pag galit ka" natatawang sambit niya at napa pout nalang ako. Naglakad si Jimin patungo sa may upuan at sumunod din ko.

"Nag date kami kahapon ni Sir Jungkook" sambit ko at napatango si Jimin.

"Kaya pala wala kayo dito kahapon, so kamusta naging date niyo?"

"Ayun akala ko magiging boring pero masaya pala siyang kasama tapos dami kong nalaman about sa kanya, tas pinalamon niya ko ng pinalamon" pagkwekwento ko habang iniimagine ang mga nangyari.

"So ano? Mahal mo na si Jungkook?" napatingin ulit ako kay Jimin dahil sa tanong niya.

"Grabe hindi pa naman, hindi naman ako marupok katulad nung iba dyan na ang bilis ma fall" natatawang sagot ko at napangisi naman si Jimin.

"Nandyan na ba si Sir Jungkook?" tanong ko.

"Uhm... Ayoko nalang sabihin kung nasaan siya"

"Ha? Bakit naman?"

"Basta" tatayo na sana si Jimin pero agad ko siyang pinigilan.

"Ano nga? Bat ba ayaw mong sabihin?" Inis na sabi ko.

"Kasi..."

"Kasi ano?"

"Si Athena at Jungkook ay magkasama" sagot ni Jimin at napatungo nalang siya.

Magkasama sila? Hm... Wala kong dapat na kakaibang maramdaman dahil sa nalaman ko. Baka naman may pinag uusapan lang

"Ah ganun ba, yun lang pala ayaw mo pa sakin sabihin" sabi ko.

"Baka kasi magselos ka?"

"Anong magseselos? Bakit naman?"

"Basta"

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now