TAEHYUNG'S POV
Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko ngayon nung makita ko si Jungkook kasama si Athena sa harap ko ngayon.
"Bat ngayon mo lang inamin na mahal mo din pala ko?" dagdag pa ni Jk habang nakangisi.
Hindi ba ko nananaginip? Kung oo man, ayoko ng magising pa at mawala ulit siya sa tabi ko. Parang kusang gumalaw ang katawan ko patakbo kay Jungkook at nung makalapit ako ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit at nagsimula ng tumulo ang mga luha sa pisnge ko ng sunod sunod.
"Akala k-ko tuluyan mo na kong iniwan" utal utal na sambit ko at naramdaman ko ang pagyakap niya din sakin ng mahigpit.
"Stop thinking like that. I can't leave you" sagot niya na lalong nagpaiyak sakin.
Kumalas muna ko mula sa pagkakayakap ko kay Jungkook at tsaka ko siya tinitigan ng diretso sa mga mata.
"Please Ayoko na ulit maranasan na bigla kana lang mawawala sa tabi ko. I can't live without you, I love you" sambit ko dahilan para mapangiti siya.
"Your wish is my command"
Muli kong niyakap si Jungkook ng mahigpit. Kung pwede lang ay hindi ko na hahayaang kumalas pa mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Ayokong iwan niya ulit ako, ayokong mawala ulit siya, gusto kong nasa tabi ko lang siya.
"Ehem"
Napakalas ako sa pagkakayakap ko kay Jungkook nung marinig ko si Athena na parang nagsamid samidan. Napatingin kami ni Jungkook sa kanya na ngayo'y nakangiti
"Respeto sana sa Single" biro niya dahilan para matawa kami. "I'm so happy to the both of you dahil sa wakas ayos na kayo at nasabi niyo na sa isa't isa ang mga kailangan niyong sabihin"
"And it's because of you" sagot ni Jungkook kaya sa kanya naman nabaling ang tingin namin. "Thank you dahil hindi mo hinayaang lamunin ka ng kasamaan at patuloy sirain ang closeness namin ni Taehyung. Thank you dahil nalaman mo agad at narealize mo na mali ang ginagawa mo at humanap ka ng paraan para itama ang kasalanan mo"
Napatingin ako kay Athena nung sabihin yun sa kanya ni Jungkook at nakita ko ang ngiti sa mga labi niya.
"Sige na tama na ang drama na to at baka maiwan ako ng eroplanong sasakyan ko" sambit ni Athena dahilan para magtaka ako.
"Ha? Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Babalik na ko sa Italy at magsisimula ng bagong buhay, akala mo si Jungkook yung aalis no? It's a prank"
"Ha? Prank?"
"Hindi mo kasi pinatapos yung sasabihin ko sayo kanina kaya di ko sayo nasabi na hindi aalis si Jungkook, kaya lang siya nandito sa airport eh para ihatid ako, dahil sa kulit mo nanghula nalang ako ng airplane number na perfect timing naman na umalis para maging dahilan ng confession mo kay Jungkook" sambit ni Athena sabay kindat sakin. Biglang napa akbay sakin si Jungkook dahilan para mapatingin ako sa kanya pero ngumisi lang siya.
AH GANON PRANK LANG PALA LAHAT. PAKIBALIK NUNG LUHA KO PLEASE
"Sige mag-ingat ka sa flight mo" ayun nalang ang salitang lumabas sa bibig ko dahil hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon sa mga nangyayari.
"All right, goodbye guys. Stay strong to the both of you" huling sambit ni Athena tsaka na naglakad papalayo pero bago siya makababa sa rooftop ay kumaway muna ulit siya samin at kinawayan naman namin siya pabalik tsaka na siya tuluyang bumaba.
Ang sarap sa pakiramdam ng mga nangyayari ngayon. I'm so speechless right now. Sana hindi to panaginip dahil kung oo, hindi ko na nanaising gumising pa.