Magkayakap pa din kami ngayon ni Sir Jungkook, ewan ko pero hindi ko magawang kumalas mula sa pagkakayakap niya kahit na naiinis pa ako sa kanya
"I'm sorry, dapat pinakinggan ko man lang yung side mo" bulong niya at siya na ang kumalas sa pagkakayakap namin.
Magkatitigan lang kami ngayon, kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Hindi ko alam kung naaawa ba siya sakin
"Condolence" huli niyang sambit bago ako talikuran at pumunta na ulit siya sa swivel chair niya.
Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin pagkatapos ng pangyayaring yun dahil napaka awkward na para saming dalwa
Pero lumapit pa din ako sa table ni Sir at tinanong ang mga ipag uutos niya pa sakin pero sinabi niyang wala na at magpahinga muna daw ako
Ewan ko kung matutuwa ba ko sa sinabi niya kasi parang naawa lang siya sakin kaya niya ko pinagpahinga, ayoko ng kinakaawaan ako.
"Taehyung" tawag niya sakin dahilan para mapatingina ko sa kanya. "Bakit hindi mo ko tinext na di ka makakapasok dahil ganun nga ang nangyari para di kita napagalitan?"
"Wala po akong cellphone at lalo na ng cellphone number niyo" walang ganang sagot ko at tumango naman si Sir.
"I'm so---"
"Ayos lang sir, wag na nating isipin yun. Focus nalang po ulit tayo sa trabaho" pagputol ko sa sasabihin niya dahil ayoko ng paulit ulit at hindi siya dapat nagsosorry sa isang katulad ko dahil isang siyang boss.
Natapos ang araw na ito na puno ng lungkot.
Napahiga nalang ako sa kama ko dahil kakarating ko lang sa bahay
"Inay, i miss you" bigla kong sambit at tsaka tumingin sa bukas kong bintana kung saan kitang kita ang nagkikinangang bituin.
Pumatak na muli ang mga luha na kanina pa namumuo sa mata ko
Bigla akong nagising sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Agad akong bumangon at diretso na agad sa banyo dahil baka late na ko
Mabilis lang ang pagligo ko at nagbihis na agad ako at nagpaalam kay ate at itay na aalis na
May nasakyan naman agad ako papuntang busan
"Dito nalang po kuya" sambit ko sa driver at inihinto na ko sa may tabi.
Papasok na sana ko sa loob nung building nung biglang may humigit sa kamay ko pababa
"aray!" angal ko at binitawan naman agad ako nito. "Ano---" napatigil ako sa pag angal nung pagtingin ko ay si Sir Jungkook pala ang humigit sakin.
"S-sir? Ikaw po yung humigit sakin?"
"Yes. Goodmorning" bati niya sabay abot sakin ng isang box na kulay puti.
"Ano po iyan?"
"Just open it"
Dahil nacucurios ako ay kinuha ko na yung puting box at agad ko itong binuksan
"What the---" Nanlaki yung mata ko nung bumungad sakin ang napakagandang cellphone.
"I buy you a cellphone so you can use it if may emergency at matetext mo na ko kung di ka makakapasok"
WHAT???! HE BUY ME A CELLPHONE???!
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Sir Jungkook
"Nako, hindi ko po ito matatanggap. Mukhang mamahalin, sayang po yung pera niyo" sambit ko at pilit na ibinabalik sa kanya yung cellphone pero di niya kinukuha.