CHAPTER 15

247 17 0
                                    

TAEKOOK MOMENTS 2

TAEHYUNG'S POV

Pagkapasok ko ng kwarto ni Jungkook ay nag aayos na siya ng mga papeles sa table. Napatingin siya sakin nung marinig niya ang pagbukas ng pinto

"You are here na pala" napatingin siya bigla sa hawak kong baso. "Nagtimpla ka ng gatas? Gusto mo pala nan, sana sinabi mo sakin para ako na nagtimpla"

"Ah hindi ako ang nagtimpla, binigay lang sakin to ni Jimin" sagot ko. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jk at naging seryoso ito.

"Sige na lumapit kana dito, magsisimula na tayo" muli niyang itinuon ang paningin niya sa mga paper works kaya lumapit na agad ako at umupo sa tabi niya.

"Eto ang gagawin mo tas eto ang sakin. Ang gagawin lang natin ay sasagutan yung mga tanong dyan. Yung mga ilalagay mong sagot dyan ay nasa cellphone ko, sa may gallery" paliwanag ni Jk at tumango naman ako habang umiinom ng gatas.

Tumayo muna saglit si Jungkook at kinuha ang laptop at cellphone niya tsaka ibinigay sakin ang cp

"Buksan mo nalang yan, wala namang password. Tas punta kang gallery"

Ginawa ko agad yung sinabi niya at nagulat ako sa wallpaper ni Jungkook. Wait parang familiar to ah. Nasa Jeju Island kami nito! Eto yung time na pinipicturan ako ni Jimin !

 Nasa Jeju Island kami nito! Eto yung time na pinipicturan ako ni Jimin !

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano nahanap mo na?" tanong ni Jk pero di ako umimik. "Ho--- hala" agad kinuha ni Jk ang cellphone niya sakin at itinago.

"Ako ba yang wallpaper mo?" tanong ko at nanlaki naman yung mata ni Jungkook.

"Uhm... Oo" sagot niya at ramdam ko ang pag init ng pisnge ko.

"Diba ayan yung time na pinipicturan ako ni Jimin?" tanong ko at tumango siya.

"Yes and that time, pinipicturan din kita ng palihim" bigla siyang ngumisi at pumangalumbaba at tinitigan ulit ako.

"B-bakit naman?" naiilang na tanong ko.

"I'm a photographer din at gusto kong kuhanan lahat ng magagandang nangyayari at bagay dito sa mundo. At sa mga oras na yun, nahanap ko yung pinakamagandang tao na mas maganda pa sa lahat ng nakuhanan ko noon. At ikaw yun Taehyung, kaya kinuhanan kita ng palihim" biglang ngumiti si Jungkook.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kinikilig ba ko ngayon o hindi pero salamat dahil naramdaman kong  may ganda din pala akong taglay na di ko nakikita pero nakita ni Jungkook

"You are so happy with Jimin that time" biglang lumungkot ang tono ng boses ni Jk kaya napatingin ako sa kanya. "I hope when you are with me. you are happy too"

"Tara ng gawin tong mga paper works para matapos na tayo" Hindi ko alam ang isasagot ko kay Jungkook kaya iniba ko nalang yung usapan. Sumunod naman siya at ibinigay na sakin ang cellphone niya tsaka na kami nagsimulang magsagot.

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now