TAEHYUNG'S POV
Tulalang nakatitig ako ngayon sa may dingding ng kwarto ko, hindi ko alam kung bakit ako ganito simula kanina pang pagkagising ko
Feeling ko nararamdaman ko pa din ang mga labi ni Jungkook sa labi at leeg ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
He is my first kiss at hindi ako makapaniwala na gagawin niya sakin yun kagabi. Wala kong nagawa kagabi para pigilan siya dahil parang kusang nanigas ang katawan ko at hinayaan siyang gawin yun
"AAAAAAAAAAAAAAAA!" biglang malakas na sigaw ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko nung gawin ko yun at napatakip nalang ang dalwang palad sa bibig ko.
Maya maya lang ay narinig ko na ang mga hakbang ng paa mula sa hagdan. Aish sabi na nga ba at pupunta dito si ate dahil sa sigaw ko
"Taehyung?! Anong nangyayari sayo?! Buksan mo tong pinto" rinig ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni ate habang kumakatok sa pinto ko.
Napabuntong-hininga nalang ako bago magsalita. "Ate, don't worry i'm okay. I'm sorry if sumigaw ako. May naisip lang ako bigla" medyo nilakasan ko ang pagsasalita ko para marinig niya.
"Are you sure? Sige na lumabas kana dyan at kakain na tayo. Sasamahan mo pa kong maggrocery" huling sambit ni ate bago ko marinig ang paghakbang niya pababa sa hagdan kaya tumayo na agad ako sa kama ko at tsaka naligo at nagbihis ng simple lang.
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay tsaka na kami kumain ni Ate, pagkatapos naming kumain ay hinintay ko pa siya saglit dahil maliligo muna daw siya. Pagkatapos ay tsaka na kami sumakay ng taxi patungo sa mall ng busan para maggrocery sa loob non. Bibili din daw kasi si ate ng mga bago niyang damit.
"Taehyung, malapit na ang birthday mo" biglang sambit ni ate na nagpalingon sakin sa kanya.
"Oo nga po pala, muntik ko ng makalimutan" napakamot nalang ako sa batok ko.
Pati birthday ko muntik ko ng makalimutan dahil sa mga nangyayari. Pero para sakin wala namang espesyal sa birthday ko, ayos nga lang sakin kung walang handa. Tuwing kaarawan ko, imbes na ibili ako ng handa ni ate, sinasabe ko nalang sa kanya na ipambili nalang yun ng mga mas importanteng bagay kesa sayangin sakin.
Maya maya lang ay nakadating na kami ni ate sa may mall. Una naming pinuntahan ay yung mga damitan, ipanghuhuli na namin ang pagbili ng mga pagkain para diretso uwi na
Umupo nalang muna ko sa may labas ng store at hinayaang ienjoy ni ate ang pamimili ng mga damit sa loob
Kinuha ko nalang ang cellphone ko para mag twitter, nakakawala kase ng stress tong app na to tuwing ginagamit ko.
Napangiwi nalang ako nung bumungad ang post na selca ni Jungkook sa tl ko
Jeon Jungkook
@jjk97I'm here right now in our mall. Nagpicture lang ako dahil nagwapuhan ako sa sarili ko