TAEHYUNG'S POV
"Taehyung? Gising na"
"Hmmm?" tugon ko nung maramdaman kong may yumuyugyog sakin.
"Bilisan mo na, nandyan sila Itay sa sofa"
Napamulat ako bigla nung sabihin yun ni ate. Nandito sila Itay?. Napabangon agad ako at napaharap kay ate dahil sa narinig ako
"Really? Nandyan sila Itay?" pagkumpirma ko pa.
"Yes at sabay sabay daw nating icecelebrate ang pasko. Kaya maligo kana at magsisimba pa tayo"
Napangiti ako sa sinabi ni Ate kaya agad ko ng kinuha ang tuwalya ko at tsaka tumakbo sa banyo. Ngayon nalang kasi ulit kami makakapag bonding ng sama sama.
Pagkatapos kong maligo ay nagtungo na ko sa damitan ko para mamili ng simpleng isusuot lang, nagpantalon nalang ako habang naka long sleeve na black tsaka ko inayos ng unti ang sarili ko at lumabas na ng kwarto. Bumungad sakin ang pamilya kong masayang nagtatawanan at natigilan sila nung makita ako
"Wow Taehyung, you look so good in your outfit today!" sambit ni ate dyna at napangiti naman ako.
"Of course, suot ko din po yung binili saking sapatos kahapon ni ate" iginalaw galaw ko pa ang paa ko para makita nila.
"Ganda naman" sambit ni Itay. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Namiss po kita Itay kahit nung isang araw kakakita lang natin" parehas nalang kaming natawa sa sinabi ko.
"Oh sige na tara na at malelate pa tayo sa misa!" sigaw ni kuya kaya naglakad na kami palabas ng bahay at tsaka nag abang ng taxi. Nagkasya naman kami sa sasakyan dahil hindi kasama nila Kuya at Ate dyna ang mga anak nila.
Mabilis lang ang naging byahe namin patungong simbahan dahil maaga pa naman at di pa nagdadagsaan ang mga tao. Pagkapasok namin sa Church ay unti palang ang tao at di pa nag uumpisa ang misa
"Taehyung" napatingin ako kay Itay na katabi ko ngayon nung bigla niya kong tawagin.
"Po?" sagot ko.
"Mamaya kayo nalang magsindi ng ate dyna mo ng kandila"
"Ah sige po"
Maya maya lang ay dumami na ang tao sa simbahan at nag umpisa na din ang misa.
After 1 Hour
Nagpalakpakan na kami nung matapos na ang misa. Hinigit na ko ni Ate Dyna patungo sa may sindihan ng kandila, sila Itay naman ay mag-aabang na ng sasakyan dahil gustong pumunta ni Itay sa may Namsan Seoul Tower.
"Anong kulay ng kandila ang sisindihan natin?" tanong ni ate dyna.
"Yung blue nalang po para kapayapaan"
"Ah sige tas red para sa love"
Nagsimula na kaming magsindi ng kandila. Pumikit na din ako para magdasal at kamustahin si Inay.
“inay, malapit ko na pong matupad yung pangarap niyo samin ni itay. malapit na po akong grumaduate ng college at ang kukunin ko pong kurso ay chef para araw araw kong ipagluluto ng masasarap na ulam sila ate, kuya at itay at ang future partner ko na may kasamang pagmamahal”
Napangiti nalang ako dahil sa sinasabi ko kay Inay gamit ang isip ko.
"Taehyung? Tapos kana bang magdasal?" rinig kong tanong ni Ate Dyna kaya mumulat na ko at nag Sign Of The Cross tsaka tumango sa kanya.
Lalakad na sana ko kasabay ni Ate nung biglang may makita akong lalaking pamilyar sakin, kakadaan niya lang sa harap ko kaya muli ko siyang nilingon