PROLOGUE

1K 30 9
                                    

"Sinong magtatrabaho para satin?!" malakas na sigaw ni Ate saming tatlong magkakapatid.

Apat kaming magkakapatid. Si Ate Mina ang panganay, si Kuya Min Ho ang pangalawa, sumunod si Ate Dyna at ako ang bunso.

"Ang aga niyo kasing mag asawa Min Ho at Dyna e! Imbes na natutulungan niyo kong magtrabaho para mapagamot natin si Nanay at Itay e inuna niyong mag-asawa!" panenermon na naman ni Ate Mina.

Naiintindihan ko kung bakit ganto ngayon kagalit si Ate, simula kasi nung magkasakit si Itay sa puso at hindi na kaya pang magtrabaho ay siya na ang nag paaral saming magkakapatid pero binigo siya ni Kuya Min Ho at Ate Dyna na maagang nakapag asawa

Sumunod naman na nagkasakit ng ay si Nanay na merong diabetes kaya mas lalong nagpursigido si Ate Mina na magtrabaho para samin, kahit nasa edad na siya na pwede na siyang mag-asawa ay mas pinili niyang manatili samin. Kaya sobrang humahanga ako sa kanya

Hindi nakapagtapos si Ate Mina ng pag-aaral dahil nung mga panahong nag-aaral siya ay dun nagkasakit si Itay kaya mas pinili nalang niyang magtrabaho kesa mag-aral

College na ko ngayon at napapa isip na din ako kung hihinto na muna ko para matulungan ko si Ate Mina na magtrabaho

Kaso natanggal siya sa trabaho niya dahil napagbintangan siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa kaya nauunawaan ko kung gaano kabigat ang nararamdaman niya ngayon

"Eh kung patigilin mo kaya muna sa pag-aaral yang si Taehyung!" sabay turo sakin ni Kuya Min Ho. "Siya na muna ang magtrabaho para satin"

"Tumahimik ka Min Ho! Hindi maaaring tumigil sa pag-aaral si Taehyung, siya nalang ang posibleng makapagtapos sating magkakapatid para mabigyan tayo ng magandang buhay! Palibhasa wala kang alam! Alam mo lang mag-asawa at umanak ng umanak!"

dahil sa sinabi ni ate mina ay dabog na tumayo si kuya mula sa kanyang kina uupuan at matalim na tinitigan si ate

Tumayo naman si Ate Dyna para awatin silang dalwa. Gusto ko mang awatin sila pero alam kong hindi sila makikinig kaya para matapos na to ay nakapag-isip isip na ko

Padabog din akong tumayo dahilan para mapunta ang atensyon nilang tatlo sakin. Malalim na buntong-hininga muna ang ginawa ko bago magsalita

"Ate Mina" tumingin ako kay Ate at tsaka ngumiti. "Gusto ko mang magtapos ng pag-aaral dahil ayokong biguin ka pero mas gusto ko din namang magtrabaho para makatulong sa gastusin dito sa bahay kaya titigil muna ko sa pag-aaral"

Natigilan silang tatlo sa sinabi ko at dahan dahang lumapit sakin si Ate Mina

"Tae, di mo naman kailangang tumigil sa pag-aaral. Gagawa ako ng paraan para makahanap ulit ng trabaho" pakiusap ni Ate.

Hinawakan ko ang mga kamay ni ate at tsaka muli akong ngumiti

"It's okay ate, ipagpapatuloy ko din naman ulit ang pag-aaral ko kapag okay na ang sitwasyon"

Bigla nalang akong niyakap ni Ate kaya napangiti ako ng sobra

"Salamat" bulong niya sabay haplos sa likod ko.

Sa sitwasyon namin, wala kang choice kundi ang magtrabaho kesa mangarap na makakapagtapos ka ng pag-aaral

Sa sitwasyon namin, wala kang choice kundi ang magtrabaho kesa mangarap na makakapagtapos ka ng pag-aaral

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now