SPECIAL CHAPTER

278 22 2
                                    

"Okay, i will gonna start interviewing you. So be prepared" sambit ng interviewer na nasa harap ko ngayon. Tumango nalang ako at tsaka humarap sa camera na nakatutok sa harap ko ngayon. "Are you ready?"

"Yes"

"Okay, introduce yourself first"

Tumingin ako sa camera sabay ngiti. "Annyoeng Haseyo, my name is Kim Taehyung. 25 years old and i live in Daegu South Korea"

"What a beautiful name, so sisimulan na kitang tanungin tungkol sa asawa mo at sa buhay niyo, ayos lang ba?"

"Yes"

"Thank you, simulan mo kung paano kayo nagkakilala"

"Nagsimula ang lahat nung naghahanap ako ng trabaho. Siya ang naging boss ko..." napangiti nalang ako habang iniisip at binabalikan ang mga nakaraan.

- FLASHBACK -

Nung una ayaw niya kong tanggapin sa trabaho na yun dahil di niya daw kailangan pero sabi nung staff na nakausap ko ay need niya talaga ng secretary pero walang tumatagal sa kanya dahil sa ugali niya HAHAHAHA i don't know pero wala kong pake nung time na yun kung masungit siya or what basta ang nasa isip ko ay kailangan ko ng trabaho para mabuhay ang pamilya ko. Ako nalang kasi ang inaasahan nila, sobrang thankful ako dun sa staff na pumilit sa boss ko na tanggapin na ko at napapayag niya naman at dun na nagsimula ang lahat. Habang tumatagal lumalabas na yung ugali niyang kinainisan ko pero tiniis ko nalang dahil kailangan ko naman ng trabaho.

Minsan napapansin ko siyang nakatingin sakin pero agad siyang umiiwas tas bigla nalang siyang magagalit sa di malaman na dahilan. Aish, hanggang nung isang araw umamin nalang siya sakin na gusto na daw niya ko pero di agad ako naniwala dahil baka niloloko niya lang ako, lalo na't nakikita kong papalit palit siya ng babaeng dinadala sa opisina niya. At baka ginagamit niya lang ako para kalimutan yung ex niyang si Athena.

Hanggang sa isang araw, niyaya niya ko sa may Nami Island at dun nag umpisa ang first date namin na di ko inaasahang maeenjoy ko.

-------------------------------------

"Anong nadama mo sa first date niyo?" tanong nung interviewer.

"Wala naman, masaya lang ako pero wala akong nararamdaman sa kanya"

"Ah that's hurts, sige continue mo na ang pagkwekwento"

------------------------------------

Simula nung first date namin na yun nagtuloy tuloy na ang pagyaya niya saking lumabas. Minsan natanggi na ko dahil ayoko na siyang paasahin pa dahil alam ko nun never talaga kong maiinlove sa lalaki din ayoko siyang masaktan pero i regret what i said dahil habang tumatagal nararamdaman kong parang unti unti na din akong nagkakagusto sa kanya lalo na tuwing pinaparamdam niya sakin na mahal niya talaga ko, he's always care for me. At wala ding araw na hindi niya sakin sinabi yung "i love you, mahal kita" tuwing magkikita kami. Pero hindi ko naisipang aminin sa kanya yung nararamdaman ko dahil baka di ko naman talaga siya gusto at nasanay lang talaga ko na nandyan siya lagi sa tabi ko.

Tuwing may problema ko nandyan siya lagi at ganun din ang ginagawa ko, nandyan ako lagi sa gabi niya kapag kailangan niya ng kausap. Sobrang saya ko dahil may isang taong nagsabi sakin ng pinaka tinatago niyang sikreto mula sa nakaraan niya, ako lang ang sinabihan niya nung mga nakaraan niya at nung malaman ko ang sikreto niya ay parang ako din yung nasa sitwasyon na yun at nasasaktan. Hindi ko alam na ganun kalalim ang mga nakaraan niya, at dun ko naintindihan kung bakit ilap siya sa tao at palaging galit dahil akala niya wala siyang kakampi sa mundong to at lahat ng mahal niya ay iniwan siya, wala akong nagawa nun kundi yakapin siya. Natutuwa ako dahil lahat ng kinikimkim niya sa loob niya ay nailabas na at nandun ako nung time na yun para masandalan niya.

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now