CHAPTER 5

271 17 0
                                    

Bigla akong napamulat sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Dahan dahan akong tumayo sa pagkakahiga ko at tumingin tingin sa paligid

Nasa isang asul na kwarto ako at mag-isa lang ako, sa pagkakatanda ko hindi dito yung kwarto na pinasukan ko kagabi

Nanlaki muli ang mga mata ko at nakaramdam ng hiya nung maalala ko muli ang nangyari samin ni Jungkook kagabi

FLASHBACK

Tumutugon ako ngayon sa mga halik ni Jungkook pero agad akong tumayo nung marealize ko na mali tong ginagawa namin

Iniayos ko na ng higa si Jungkook at tsaka tinanggalan ng sapatos. Umupo na ko sa may sahig at tsaka binantayan si Jungkook na mahimbing na ngayong natutulog

END OF FLASHBACK

Hanggang dun lang ang naalala ko hindi ko na alam ang sunod pang nangyari at kung paano ko napunta sa kwartong ito

Napapailing akong tumayo sa may kama at tsaka lumabas sa may kwarto. Pagkalabas ko ay bumaba na ako, napansin kong nanggaling ako sa 3rd floor.

Pagkababa ko ay wala kong nadatnan sa baba, malinis na naman tong sofa kumpara kagabe na sobrang dumi

Nasan kaya si Jimin? Magpapahatid na ko sa kanya pauwi dahil lagot na ko kay Ate

"Sir, nasa dining area po ang mga kaibigan niyo?" biglang sulpot nung babae sa likod ko na nakasuot ng pang yaya.

"Ah sige po, salamat" sagot ko at tsaka na nagtungo sa may kusina. Laking gulat ko nung madatnan ko si Jin na nagluluto at silang lahat ay nandun na.

Nakaupo na si sila Jimin, Jhope at Jungkook sa may upuan at sabay sabay silang napatingin sakin. Nung makita kong nakatingin sakin si Jk ng seryoso ay naalala ko na naman yung kagabi

Hayst, tanda niya pa kaya yun? Sana hindi kasi nakakahiya

"Gising kana pala Taehyung, sakto at kakain na tayo" nakangiting sabi ni Jhope at tsaka siya lumipat sa upuan na katabi ni Jimin. "Upo kana" sabay turo niya sa upuan na katabi ni Jungkook.

"Ah hindi na, uuwi na din ako kasi baka hinahanap na ko ng pamilya ko" sagot ko.

"Pagtapos nating kumain tsaka kita ihahatid Taehyung" sambit naman ni Jimin pero hindi siya tumitingin sakin.

What's wrong?

"Ah sige" pumayag nalang ako at tsaka dahan dahang umupo sa may upuan.

"Here's the food na! Enjoy" masayang sabi ni Jin sabay lapag ng pagkain sa may lamesa at umupo na siya sa may gitna.

Nagkuhanan na kami ng mga pagkain at unti lang ang kinuha ko dahil gusto ko pang kumain sa bahay yung luto naman ni Ate

"Grabe ang sakit ng ulo ko" daing ni Jin sabay hawak sa ulo niya, natawa naman si Jhope.

"Hahahaha ayan inom pa more" sambit ni Jhope.

Si Jin at Jhope lang ngayon ang nag uusap at nakikinig nalang ako, nagtataka nga ko kung bakit hindi naimik si Jimin, si Jungkook sanay na kong tahimik siya pero si Jimin hindi ako sanay kasi maingay din tong lalaking to

"Ewan ko nga kung sinong nagbuhat sakin sa kwarto, kasi sa pagkakatanda ko ay dun ako sa sofa nakatulog" natatawang sabi ni Jhope.

"Ako naman yung dalwang babae ko ang nag-alaga sakin" pagmamayabang ni Jin.

"Ay sana ol kasi babaero"

"Oy! Hahahahaha grabe sa babaero"

"Bakit? Totoo naman ah"

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now