CHAPTER 1

417 20 7
                                    

Masaya kong bumangon mula sa aking pagkakahiga at nag ayos na ng mga gagamitin ko para mamaya sa trabaho

Masayang ibinalita ko kagabi kay Ate Mina pag uwi ko na nakakuha na agad ako ng trabaho at masaya naman siya, napagkasunduan namin na ako ang magtatrabaho at siya ang magbabantay kela Nanay at Itay

At sinabi niya din sakin na bawal kong ipaalam kelan Nanay at Itay na tumigil ako sa pag-aaral dahil sa pinili kong magtrabaho dahil for sure magagalit sila

Nagluto na muna ko saglit para sa kakainin nila Ate Mina at tsaka na ko umalis ng bahay. Hindi na ko kumain, mamaya nalang ako kakain sa Office. Baka kasi malate ako mahirap na

Mabilis lang ang naging byahe ko dahil wala pa naman masyadong mga sasakyan dahil maaga pa kaya maaga akong nakadating sa Opisina na medyo madami na ding tao

Agad na kong tumungo sa 5th floor at nakangiting lumabas sa elevator pero muntik na kong mapatalon sa gulat nung makita kong may kahalikan si Sir Jungkook na babae sa office niya

Nakatayo si Jungkook habang ang babae ay naka upo sa lamesa, may suot pa naman silang damit pero kung hindi ako sisingiti ay paniguradong mamaya mawawalan na sila ng saplot. Pakshit.

Ang aga aga naglalampungan, what the f, grabe ganitong boss pala si Sir Jungkook.

"ehem" kunwaring umubo ako para tigilan na nila ang ginagawa nila kasi hindi ko na kinakaya. Nagtagumpay naman ako dahil napunta ang atensyon nila sa aking dalwa.

Nanlaki ang mata nung babae at agad napatayo sa lamesa at inayos ang damit niya habang si Jungkook ay walang reaksyon ang mukha na parang sanay na na laging may nakakahuli sa kanya na nakikipag halikan siya ng ganitong kaaga. Yak.

Maganda yung babaeng kahalikan ni Sir Jungkook, maputi, makinis at matangkad. Parang model ang dating.

Agad ng nagpaalam yung babae kay Jungkook at kiniss niya pa si sir sa pisnge. Wow di pa tapos. Lumakad na papalapit sakin yung babae at ngumiti. Tsaka na pumasok sa elevator.

Nahihiyang pumasok na ko sa loob at inintay ang sasabihin ni Sir Jungkook na matalim ang tingin sakin ngayon

"Kung ano mang nakita mo, wag mong ipagkalat kung gusto mo pang tumagal sa trabaho" may diin na pagkakasabi niya sabay upo sa swivel chair. Tumango nalang ako at hinintay pa din ang sasabihin niya.

Ano namang pake ko sa ginawa nila nung babaeng yun, may mapapala ba ko kung ipagkalat ko? Magkakapera ba ko? Tss

Muling tumingin sakin si Jungkook dahilan para mailang ako. Bat kasi parang nangangain yung tingin niya e

"Pirmahan mo tong mga papeles, dito ka sa tabi ko" sambit niya at inayos ang mga papeles.

"Ahm... Sa tabi niyo po sir?" paninigurado ko at muli siyang tumingin sakin.

"Ayoko sa lahat yung paulit ulit. Alam kong narinig mo ang sinabi ko" galit niyang sagot.

"okay sabi ko nga" sambit ko at naglakad agad papunta sa tabi niya at umupo.

Hindi naman kami masyadong magkadikit pero ewan ko naiilang ako

"Eto ang mga pipirmahan mo" parang biglang nakiliti ang buong katawan ko nung maramdaman ko ang hininga ni Jungkook sa tenga ko.

Ayst! Ano bang nangyayari sayo Taehyung! Umayos ka nga. Nagmumukha kang bakla. Iw.

Inilapag na ni sir Jungkook ang mga papeles sa harap ko kaya agad ko itong sinimulang pirmahan. Madali lang naman pala ang trabahong to hindi naman pala utos si Sir pero bakit sinasabi ng iba na sobrang hirap ng trabaho nila dito?

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now