CHAPTER 12

214 18 1
                                    

Nabiyahe na kami ngayon ni Jimin papunta sa lugar kung saan namin icecelebrate ang birthday ni Ate Dyna. Tinext kasi ako ni Ate Mina na magkita kita nalang kami sa isang restaurant dito sa busan at nalaman ko na din na si ate ang nagtext kay Jimin kagabi. Hayst

"Excited na kong maka bonding ang family mo" napatingin ako kay Jimin nung sabihin niya yun at ang laki ng mga ngiti niya.

"Pagpasensyahan mo na ang family ko kung may sabihin silang kakaiba mamaya sayo"

"Bakit? Ano bang sasabihin nila?"

"Basta, ma issue din sila e" parehas kaming natawa ni Jimin sa sinabi ko.

"By the way, kay ninong regalo yang dala mo? Binili mo ba yan para sa ate mo?"

Natigilan ako sa tanong ni Jimin. Ano kayang magiging reaction niya kapag nalaman niyang galing to kay Jungkook?

"Ahm... G-galing to kay Sir J-Jungkook" utal utal na sagot ko at hindi agad siya nakapagsalita.

"Ah ganun ba"

Hindi na kami muling nagsalita ni Jimin hanggang sa makarating na kami sa restaurant. Nahanap agad namin sila Ate Mina na nakaupo na sa gitna.

"Ate Mina!" tawag ko at napatingin sila samin at tsaka ngumiti.

"Nandito na pala kayo" sabi niya. Umupo na kami ni Jimin sa bakanteng upuan at magkatabi kami.

"Ayan ba si Jimin? Ang gwapo naman pala" ngiting sabi ni Ate Mina at tsaka inalok ang kamay niya kay Jimin at sinalo naman ito ni Jimin. "Hi my name is Mina Kim, nice to meet you"

"Nice to meet you too po" sagot ni Jimin.

"Ay na ko wag ka ng mag 'po' sakin, di pa naman ako matanda" at lahat kami ay natawa sa sinabi ni ate.

"Ahm... By the way, Mga Ate, Kuya at Itay eto nga po pala si Jimin ang bestfriend ko" ngumiti naman sila kay Jimin. "At Jimin, si Ate Mina yung panganay samin, si kuya min ho yung pangalawa, at si ate dyna yung pangatlo, sunod ako. At ang pinakamamahal kong tatay" pag iintroduce ko sa kanilang lahat.

"Ang saya niyo naman pong tingnan, isa kayong masayang pamilya" sambit ni Jimin pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Bakit Jimin? Hindi ba kayo ganto ng family mo?" tanong ni Kuya.

"Uhm... Wala na po akong Mom and Dad" biglang lumungkot ang mga mata ni Jimin kaya hinawakan ko ng patago ang kamay niya at napatingin naman siya sakin, nginitian ko siya para gumaan ang pakiramdam niya, nginitian niya naman ako pabalik.

"Oh i'm sorry" sambit ni Kuya.

"It's okay lang po"

Pagkatapos ng mahabang pag-uusap ay umorder na kami ng makakain at nangulit pa din si Jimin na siya na ang magbabayad sa ibang pagkain kaya pumayag nalang ako. Dumating naman agad yung order at masaya kaming kumain.

Ang mga inorder namin ay Tteokbokki, Rice Cake, Kimchi, Samjang, samgyupsal meat at kimbap.

"Happy Birthday Ate Dyna!" sigaw ko at nagsigawan din kami. Buti nalang di nagtitinginan samin yung mga tao kasi maingay din naman dito sa loob.

"Thank you, eto ang pinaka masayang birthday ko kaso wala si Inay" sambit niya at biglang lumungkot ang mukha.

"Nako kasama din naman natin ngayon si Inay, binabantayan tayo" pagpapalakas ng loob na sabi ni Ate Mina.

"Wag niyo ng alalahanin ang inay niyo at masaya na yun ngayon kung nasan siya" sambit ni Itay at tumango kami.

"By the way, malapit na din birthday ni Taehyung ah" pagpapa alala ni Ate Dyna.

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now