CHAPTER 3

281 15 0
                                    

"Ate" tawag ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto.

"Saglit lang!"

Maya maya lang ay bumukas na ang pinto.

"Ate, nabili mo naba kagabi ng gamot sila Inay at Itay?" tanong ko at tsaka pumasok sa kwarto.

"Hindi pa, hinihintay ko yung pera mo" umupo ako sa kama ni ate habang siya naman ay nag aayos ng mga damit niya. "Ano pinahiram kaba ng pera ng boss mo?"

"Hindi po e..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad nagsalita si Ate.

"So anong ipambibili natin ng gamot nila Inay at Itay? Bawal silang mawalan ng stock ng mga gamot" may tono ng pag-aalala at inis sa boses ni Ate.

"Pero ate don't worry may kaibigan akong nagbigay sakin ng kusa ng pera" sambit ko at tsaka kinapa ang bulsa ko at kinuha yung pera.

Lumapit naman sakin si Ate at kinuha yung pera

"Hays salamat naman, kala ko hindi na naman makaka inom ng gamot si Inay at Itay e"

"Salamat kay Jimin"

"Jimin? Yung tinutukoy mong nagbigay sayo nito?" panunukoy ni ate sa pera.

"Ahm opo, wag ko na daw bayaran pero hindi ako pumayag. Sabi ko babayaran ko agad pagka sweldo ko"

"Thank you sa kanya"

Madami pa kaming pinag-usapan ni Ate at nagpaalam na din ako sa kanya na aalis ako mamaya at hindi muna makakauwi sa bahay kasi isasama ko ng boss ko sa bahay ng kaibigan niya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalis sa isip ko yung tono ng pagkakasabi ni Jungkook nang "sawa na ko sa mga babae, gusto ko namang makasama si kim taehyung" shit. Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong uminit ang mga pisnge ko nung time na yun

7:30am

Nabiyahe na ko ngayon patungong Office. 30 minutes nalang meron ako para pumasok sa trabaho. Inalagaan ko kasi muna sila Inay at Itay bago ko umalis

Naaawa na ko sa sitwasyon ng mga magulang ko, sobrang payat na at hindi na talaga kayang gumalaw mag isa

Dati pa sinasabi nila Inay at Itay na wag na namin silang ipagamot at pabayaan nalang sila dahil kung oras na nila ay oras na nila para hindi na din daw kami mapagod sa pag-aalaga sa kanila syempre hindi kami pumayag. Sobrang sakit na marinig sa mga magulang mo ang salitang yun

Ipinangako naming magkakapatid sa kanila na aalagaan namin sila katulad ng pag aalaga nila samin nung mga bata pa kami

Naglalakad na ko ngayon papasok ng office. Madami ng tao at bisita galing ibang opisina

"Good morning Mr. Secretary!" bati sakin ni Jessy yung nagpilit kay Sir na i hire ako dito. Nginitian ko lang siya at dumiretso na ko sa elevator.

Pagkabukas ng pinto ng elevator ay bumungad sakin si Sir Jungkook na may katawagan sa telepono at may mga kasamang katulad niyang business owner

"Pakidala dito agad yung mga hinihingi kong information please! Pakibilisan!" natatarantang utos ni Sir sa kausap niya sa telepono.

Dumiretso naman agad ako sa kanya at inilapag ang mga gamit ko sa sahig

"Sir, may pag uutos po ba kayo?" tanong ko at nagulat ako nung hampasin niya ang lamesa. Hindi naman yun napansin ng ibang tao dito kasi maingay at may kanya kanyang mundo.

"WHY ARE YOU LATE?! BAT NGAYON KALANG?! SOBRANG DAMING GAGAWIN!" sigaw niya sakin.

Late? Hindi pa ko late?

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now