CHAPTER 45

46 1 11
                                    

LUNA'S POV:

Isa. Dalawa. Tatlo.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng tumama ang katawan ko sa mga puno at matitinik na halaman dito sa Ethermoore Forest. Basta ang alam ko lang kailangan kong tumakbo.

Isa pang liko at naramdaman ko ng may pumapatak na dugo sa aking braso. Ng tignan ko iyon ay napangiwi ako sa sakit. Mas lalo pang sumakit iyon ng makita kong papalapit na ng papalapit ang napakalaking lobo sa likudan ko.

"Damn it" I hissed when I forced myself to run as fast as I can.

Gusto ng bumigay ng katawan ko dahil sa pinaghalong sakit at pagod. Limang minuto pa lang ang lumilipas pero ang katawan ko ay puno na ng sugat. Pagkatapos ay wala pang tigil sa paghabol sa akin ang napakalaking halimaw. Wala akong maisip na plano sa sitwasyon na ito kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo. I'm running for my life for goddamn sake.

GROOOWLLL

Lumingon ako sa pinagmumulan ng sigaw at talagang namilog ang mata ko ng sa mismong gilid ko na tumatakbo ang lobo.

I immediately stop. Habol ko ang hininga at tuluyan na ngang hinarap ang halimaw na lobo. Humihingal pa ako pero pinilit ko ang sarili na hablutin ang isang makapal na kahoy.

"It's better to have one weapon than having none." Usal ko.

Tumigil din ang lobo sa harapan ko at nagpakawala na naman ng isang napakalakas na ungol. I almost cover my ears but I choose not to. Unti-unti humaba ang pangil nito sa bunganga at sunod-sunod din ang pagtulo ng laway.

Sa lagay ko ngayon siguradong dalawang bagay lang ang babagsakan ko. Una, ang mabali ang buto ko sa katawan kapag pinilit kong kalabanin ang nasa harap ko. Pangalawa, ang mabali pa rin ang buto ko kapag nagpatuloy ako sa pagtakbo dahil kahit ano namang mangyari maha-habol at maha-habol pa rin ako.

GROOWWLL

Natigil ako sa pag-iisip ng walang ano-ano'y nagsimulang umatake ang lobo. Napasinghap ako at tumama ang paa ko sa hindi kalakihang bato na naging dahilan para sumubsob ang mukha ko sa damuhan.

Napapikit ako dahil sa takot. Hindi ko na napigilan at sunod sunod na pumatak ang luha ko. I am ready to accept how my fate would be because of this damn situation. Pagod na ako at sobrang sakit na rin ng katawan ko kaya wala na ring silbi kung tatakbo pa ako o makikipag-laban.

Sayang lang dahil gusto ko sanang maging mabuti ang relasyon namin ni Lucy pero mukhang hindi na mangyayari ang bagay na iyon. Pero sana... kahit isang pagkakataon lang, gusto kong mangyari ang hinihiling ko.

GROOOWWLLL

Nanlaki ang mata ko ng makaring ng napakalas na ungol. Siguradong hindi iyon sa lobo na humahabol sa'kin dahil hindi hamak na mas malakas at nakapangingilabot iyon.

Kahit nagsisimula ng bumigay ang katawan ko ay pinilit ko ang tuhod ko na tumayo at tignan kung ano ang nangyayari.

Agad kong natakpan ang bibig dahil sa gulat at kaba. Halos manginig ang buong sistema ko ng mapagmasdan ang tunay na nangyayari sa lugar na ito. Isang mas malaking halimaw ang umatake sa lobong humahabol sa akin. Hindi ko alam kung isa itong napakalaking aso o lobo pero ang awra na bumabalot dito ay napaka-dilim at nakapangingilabot.

"Lunaaa"

Napapitlag ako ng walang ano-ano'y lumitaw sa harapan ko si Headmaster.

Nanlaki ang mata niya ng mapagmasdan ang kabuuan ng aking katawan pero agad ding bumalik sa pag-aalala.

"You have to get out of here. This place is too dangerous for you"

Hindi ko pinansin si Headmaster at itinuon ang atensyon sa mga Council na papalapit na sa kinaroroonan namin.

"Luna"

"B-bakit? Anong nangyayari? Bakit ako hinahabol ng-"

"Don't ask too much question. Bumalik ka na sa Phasellus dahil doon ka mas ligtas. We have to kill the demon who enter the Academy"

Lahat kami ay napatakip sa tainga ng magpakawala na namang ng isang napakalakas na sigaw ang malaking halimaw. Nang mapunta sa kanila ang atensyon ko ay parehas na naglalaban ang dalawang lobo. At wala akong ibang maramdaman kung hindi takot. Kung isa ngang lobo ang nandito ay mdeyo ayos pa pero kung dalawa ay siguradong hindi maganda ang kalalagyan naming lahat. Ang dalawang naglalaban na halimaw ay hula ko ay nasa S+ rank ang lakas.

"FINTIS, DALHIN MO NA ANG BATANG IYAN SA PHASELLUS." Sigaw ng isa sa Council.

Nahatak ni Headmaster ang braso ko ng magsimulang magpakita na naman sa paningin namin ang dalawang halimaw dahil sa paglalaban.

Mabilis na nagsikilusan ang mga council para kalabanin din ang lobo na siyang humahabol sa akin kanina. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi nila binibigyan ng pansin ang halimaw na dumating lang. Kakampi ba naman iyon?

"Luna, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Humarap ako kay HM at hindi alintana ang kirot ng aking braso.

"Headmaster, kahit hindi mo sabihin alam ko na ang gagawin ko. Huwag po kayong mag-alala, babalik akong Phasellus"

Tumango siya at tumingin sa lugar kung saan nangyayari ang labanan. Magtatanong pa sana ako kung kaanib ba talaga namin ang isa pang lobo ng bigla na lang siyang tumalon sa puno at dumeretso na sa labanan na nagaganap.

Wala na akong inaksaya pang oras at tumalikod na para magsimulang tumakbo pabalik sa Phasellus dahil sigurado namang wala akong maitutulong dito. Magiging pabigat lang ako kung sakali.

Napahinto ako sa pagtakbo ng sumalubong sa akin si Lucy at ang magulang niya. Namilog ang mata ko ng makitang duguan siya sa may bandang ulo.

"L-lucy, anong nangyari sa'yo?"

Akmang lalapit na ako para man lang matignan siya ng isang mag-asawang sampal ang sumalubong sa'kin. Dahil siguro sa pinaghalong sakit, kirot at pagod ay walang hirap na napaupo ako sa damuhan habang hawak-hawak ang parte kung saan niya ako sinampal.

Hindi makapaniwalang nabaling ang tingin ko sa kaniya at nagtatanong siyang tinignan.

"Luuxfora" tawag ni Reyna Vixra habang biglang hinawakan ang kamay nito.

Nakita kong umiling si Haring Favros at parang bulang naglaho sa harapan namin.

"Luuxfora, you're wounded" nag-aalalang sabi ng ginang pero hindi man lang nagpatinag si Lucy.

Binigyan niya ako ng isang nakakamatay na tingin pagkatapos ay isang butil ng luha ang tumakas sa kaniyang kaliwang mata na siyang ikinataka ko.

Bakit? A-ano bang ginawa ko.

"Sa oras na may mangyaring masama kay Sir Colwell. Hinding-hindi kita mapapatawad Luna. Tandaan mo yan" Bawat salita na binibigkas niya ay may halong diin at galit.

Napatigil ako at hindi na napansin na tuluyan ng lumagpas si Lucy sa gilid ko. Naiwan akong tulala at saka unti-unting nagiging malinaw ang lahat.

Nanginginig ang katawan akong lumingon sa labanan na nangayayri. Tuluyan kong napagmasdan ang mala-halimaw na lobo at ganon na lang ang pag-singhap ko ng mapagtantong..... si Sir Colwell iyon.

Pero bakit? Bakit ako nakakaramdam ng takot habang pinagmamasdan siya? Parang hindi siya ang Colwell na kilala ko. Bakit ang nakikita ko ngayon sa harapan ko ay isang halimaw... Isang sobrang nakakatakot na nilalang.

Iyan ba ang tunay na anyo ni Sir Colwell?

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon