CHAPTER 34

186 2 2
                                    

LUNAS POV:

Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa sitwasyon ngayon. Hindi ako makapaniwala na ang matalik kong kaibigan ang matagal ng nawawalang prinsesa dito sa mundong ito.

Sinong mag-aakala na sa tinagal tagal ng panahon ay may kasama pala akong ganoong klase ng nilalang. Paanong ang anak nina Tita Liesel at Tito Hertim ay ang anak din ng hari at reyna ng Glaskerlendh.

"Masyado ng malalim ang gabi. Magpahinga na kayo hayaan niyong kami na ang bahala dito." Hindi ko pinansin ang sinabi ng headmaster. Para akong wala sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasamahan kong hinang-hina at ubos ang lakas.

Si Firaston na putok ang labi, puro galos sa katawan at puno ng dugo sa damit. Si Ptorik at Vemery na nakasalugmok sa damuhan na dinadaluyan ng maraming mga trainer habang si Hezra na pinapagaling ng isang healer.

Hanggang sa makabalik kami ng Phasellus ay para kaming mga wala sa sarili. Hindi lang ako kung hindi paniguradong sila ring lahat. Sa ikalawang pagkakataon nawala na naman si Lucy hindi, si Prinsesa Luuxfora.

"Oh my god Luna! Are you okay?" Si Margareth.

Hindi ko siya sinagot.

Tahimik kong binagtas ang kwarto ko at nag-ayos. Hindi alintana ang mg pasa at galos.

Parang sobrang dali lang para sa mga nilalang na iyon na dakpin si Lucy. Ganoon ba sila kalakas o sadyang mahina lang kami. Kung sana una pa lang alam na naming si Lucy pala ang nawawalang prinsesa dapat ay doble ingat ang ginawa namin. Lahat kami ay naging pabaya.

"August nasan ang mga trainers ngayon?"ani ko.

"Hindi mo pa ba alam?" ani Marga.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Bali-balita na sa buong Phasellus ang tungkol kay Luc- I mean kay Prinsesa Luuxfora. Siguradong nagmi-meeting ang lahat ng trainers tungkol sa mga nangyari. Hindi mo ba nabalitaaana kaninang umaga ha?" mahinang sabi ni Marga.

"Meeting??"

"Oo nga. Kaya nga wala ni-isang trainer ang natira dito. " Sagot ni Aug.

Masyadong okupado ang isip ko para isipin pa yan. Teka.. Meeting? Ibig sabihin nandun din si Sir Colwell?

"Wait Marga, Aug. Nandun ba lahat ng trainers ?" Kailangan ko siyang makausap.

"O-oo nga. Kasasabi ko lang diba?"

"Nasan sila ngayon?" tanong ko .

"Wait, ano namang gagawin mo ha?" sabay nilang tanong. "Aisshh. Sabihin niyo na lang please" pakiusap ko.

"Hindi pwede. Siguradong sa mga oras na ito nagmi-meeting na sila. Mamaya na lang Luna pagkatapos at isa pa kailangan mong magpahinga."

"Please Aug, Marga. Tungkol naman to kay Lucy, e." Nakita kong lumamlam mata nilang dalawa at mabigat na napabuntong hininga.

"Haayy naku. Nasa Headmasters Office silang laha----" Hindi ko na silaa pinatapos at kumaripas na ng takbo. "HOY LUNA! NANDOON DIN ANG MGA ---"

"Thank you sa inyong dalawa." Kumaway pa ako habang tumatakbo at hindi na sila pinatapos sa pag-sasalita.

Nang makarating sa office ni HM ay wala na kong inaksaya pang oras. Malakas kong binuksan ang malaking pintuan at sumigaw ng.

"ABO!!!"

Na dapat ay hindi ko na ginawa.

Para akong natulos sa kinatatayuan ng bigla kong buksan ang pinto. Napakurap ako ng ilang beses habang tinitignan ang mga tao sa loob ng office na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa akin.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon