CHAPTER 18

209 9 0
                                    

LUNA'S POV:

"A-AAAHHHHHHHHHH" Malakas akong tumilapon sa pinaka-gilid ng Training Ground. Napadaing ako ng tumama ang balakang ko sa pader. Sapo-sapo ko naman ang noo ko dahil baka tumama na naman sa kung saan. Ang sakit!!

Balak ba nila kaming patayin dito ha?

Napatingin ako sa taong lumapit sakin. Ang isang kamay ko ay nasa ulo at hinimas-himas iyon. Natamaan yata.

Nanlaki ang aking mata ng may espadang nakatutok sakin. Si Firaston. Itinutok niya sakin ang hawak-hawak at matalim akong tinignan. "What are you? A weakling?" Napa-lunok ako ng sabihin niya ang salitang iyon. Masama siyang nakatingin sakin at mas nilapit pa ang talim ng espada sakin. Konting galaw ko lang ay siguradong tatamaan na ko nito.

"A-ah relax lang F-firaston. Nag-t-training l-lang tayo eh. W-wala namang personalan" Sabi ko sa kanya. Napalunok pa ko ng ilang beses dahil nakatingin lang siya sakin. Kung nakakamatay lang ang titig siguradong kanina pa ako nakahndusay s sahig.

"Get up." Walang emosyong sabi niya at dahan-dahang kinuha ang espada. Ibinalik niya ang sandata sa lamesa na puno ng mga weapons at walang sali-salitang lumabas ng Training Ground. Napa-hinga naman ako ng sobrang lalim.

"Salamat Lord at buhay pa ko" naiiyak na sabi ko habang nakatingin sa itaas. Ipinagdikit ko pa ang dalawang palad habang nagpapa-salamat sa diyos. Ano ba naman kasing nangyari samin. Para nila kaming ginagawang dummy dito.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas noong magsimula kami sa training na to. Bukod kami ni Lucy ng training ground para walang istorbo. Salit-salitan kami ng training. At yung ginagawa namin ni Firaston kanina? Pinag-samang Weapon Combat at Sparring Combat.

Sa lahat ng trainer ko. Siya ang pinaka-ayaw kong tuturuan ako. Para niya kong paunti-unting pinapatay. Kung labanan ako parang hindi babae. At ang lokong yun sinabihan pa ko na hindi naman daw ako mukhang babae kaya ayos lang na pahirapan ako. Gago din.

Tumayo na ko mula sa pagkakalupasak dito sa sahig. Pinagpag ang pantalon at damit. Badtrip talaga. Ang dami kong galos kahit saang parte ng katawan. Sa braso, sa mukha, sa hita, sa tiyan, kahit na sa paa. Ginagantihan yata ako ng mga iyon, e.

Kung si Firaston ang pinaka-ayaw kong trainer sumunod naman si Vemery. Kinakawawa kami. Walang patawad. Pag tira. Kailangan iwasan. Dahil kapag hindi ako ang uuwing luha.

Buti pa yung tatlo. Si Ptorik, Hezra at Kariney. Tinuturuan talaga nila ako. Mula basic hanggang sa . sa .. sa....
.... Basic pa lang pala. Hindi pa kami nakaka-alis dun, e. Pero basta atlis sila ang babait nila sakin. Hindi tulad nung dalawa parang gusto ko ng isumpa.

"Oh! Luna. Anong nangyari sayo?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Si Ptorik. Kapapasok pa lang niya dito sa Training Ground.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Ptorik sa tingin mo may powers ba talaga ako?" Mahinang tanong ko sa kanya pagkalapit niya sakin. Nagtataka naman niya kong tinitigan.

"Why do you ask? May ginawa ba sayo si Firaston kaya bigla mong naisip yan?"

Nataranta naman agad ako. "H-hindi ah. W-wala siyang ginawa. Nag-training lang kami. Kaso iniisip ko lang kung may ability ba talaga ako. H-hanggang ngayon kasi wala pa ring lumalabas. Simula unang araw natin hanggang ngayon. Wala talaga." Pahina ng pahina ang boses ko ng sinabi ko yun.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon