CHAPTER 35

198 1 5
                                    

LUNA'S POV:

Malalim akong bumuntong hininga. Iniisip kung ano bang pwedeng gawin para makatulong. Hindi naman maaaring umalis ako katulad noon dahil baka imbis na may mai-ambag, maging pabigat pa ako. I don't want to do a mistake that will ruin the team. Gusto kong kumalma, lalo pa't kumikilos na naman ang tunay na magulang ni Lucy para mahanap at maibalik siya sa kamay ng mga dumukot sa kaniya. Kung sino man sila, aalamin ko pa.

"Hindi ka pa ba matutulog Luna, mag a-alas diez na ah" August.

"Siguro mamaya pang kaunti. Mauna na kayong matulong, aantukin din ako maya-maya"

Humihikab na umalis si August sa kusina. Ako naman ay kumuha ng tubig at bumalik sa upuan. Inisang lagok ko ang nasa baso at ng hindi pa nakuntento naglagay ulit ako ng panibagong tubig.

I can't even sleep peacefully knowing tons of problems were just leading me. Kapag ganito ang nangyayari nagkakaroon ako ng anxiety at hindi agad ako nakakaramdam ng antok. Ang dami kong inaalala, isa na doon sina Tita Liesel at Tito Hertim, ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may kapanyarihan ang inampon nila.

Well, hindi ko alam kung inampon nga ba nila si Lucy pero iyon lang kasi ang nakikita kong posibleng rason kung bakit na sa kanila siya.

Ng mapansin kong medyo late na ay pumasok na ako sa sariling kwarto. Nadatnan ko ang dragon at fairy ko sa kama. Natutulog. Ako naman ay nagpalit na ng damit pantulog. Hindi makakabuti kung po-problemahin ko ng po-problemahin ang mga ganyang bagay. Pero hindi ko naman sinasabing hindi na ako makiki-alam.

Kaibigan ko si Lucy at hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit siya nawala. Kung may maitutulong lang sana ako sa paghahanap, malulugod ko iyong tatanggapin.

Umupo muna ako sa kama at tinitigan ang ilaw na nanggagaling sa lamp shade. Yun na lang ang natitirang liwanag dahil pinatay ko na ang ilaw sa kisame.

Papatayin ko na din sana iyon dahil balak ko ng matulog pero isang mahinang katok ang namayani sa apat na sulok ng aking silid.

"August? May kailangan ka pa ba?" Tanong ko habang nakatingin sa pintuan.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan ngunit wala akong August na nakita.

My brows furrowed. Saka ko lang napagtanto na hindi sa pintuan galing ang katok. Bahagya akong luminga-linga at ng mapadako ang tingin sa bintana ay medyo gumalaw iyon kasabay ng muling pagkatok.

Mabilis kong kinuha ang unan sa kama ko bilang proteksyon. Kung sino o ano man iyan hindi ako magdadalawang isip na ibato ito sa kaniya. Nagsimula ng manuyot ang lalamunan ko kahit pa nga uminom na ako ng tubig. Tambol lang ng dibdib ang naririnig ko sa mga oras na ito. Kahit pala ilang beses na akong nakaharap ng halimaw hindi pa rin nawawala ang takot sa aking sistema.

"Tch. Open it woman. It's damn cold here"

Nabitawan ko ang unan at namilog ang aking mata.

I know that voice.

Dali-dali kong binuksan ang bintana at tama nga ako.

"Bakit ka nandito? Gabing-gabi na ah, paano mo nalaman ang dorm ko" sunod sunod na tanong ko at hindi ko pinahalatang nagulat ako.

"Can I come in?"

Wala na kong nagawa ng isampa niya ang kaniyang paa at deretsong pumasok sa aking kwarto. Inilibot niya ang kaniyang tingin, parang mine-memorya ang bawat detalye dito sa loob. With his hand on his pocket, he nod.

"Your room is clean"aniya.

Gusto ko siyang irapan dahil sa tono ng pananalita niya, hindi ako malinis na tao. Pero parang natulos ata ako sa kinatatayuan ko dahil nasa harapan ko ngayon si Abo. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Gusto ko siyang tanungin pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon