CHAPTER 43

80 1 20
                                    

LUNA'S POV:

Late na akong nagising kinaumagahan. Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi ko na nadatnan pa ang kambal. Siguro ay nasa sari-sarili ng classroom, hindi na naman kasi ako estudyante dito kaya hindi ko na kailangan pang mag-aral.

"Ano kayang pwedeng i-ulam?"

Dumeretso ako sa kusina at naghanap ng pwedeng iluto. Habang hinahanda ang kawali ay saka bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi.

Napatakip ako ng mukha at mahinang tumili.

"Kyaahh. Gosh"

Pakiramdam ko ay namumula na ang buong pisngi ko. Pati nga ata tenga ko ay naramdaman kong umiinit na. Kapag naalala ko talaga ang nangyari kagabi ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag may nag-confess sa'yo. I mean ganito pala ang pakiramdam kapag ang taong gusto mo ay umamin sa'yo.

"I like you, Luna"

Napasabunot ako sa buhok at kulang na lang ay i-umpog ko ang sarili sa katabing refrigerator para lang mawala sa isip ko ang nangyari. Damn that ash.

Para kahit papaano ay makalimutan ko ang mga nangyari kahapon ay nagsimula na akong mag-prito ng sausage at bacon. Hindi ko namalayan na hinu-hum ko na ang paborito kong kanta habang nagluluto.

Sinabi niya kahapon na kapag natalo na nila ang Penatagon Army ay sa mundo na ng mga tao kami titira.

"Teka, k-kung titira kami sa iisang bahay. It means like we're having or making a family right. Pero di'ba bago mangyari iyon ay kailangang magpa-kasal muna?"

Nabatukan ko ang sarili dahil sa naiisip. Kasal at pagpa-pamilya agad ang nasa isip ko e, hindi pa nga kami. But, he already confessed to me right, ibig bang sabihin nito.....

"K-kami na kaya?"

I almost pout while saying that. Nabalik lang ako sa ulirat ng matalamsikan ng mantika.

"Damn Luna. Pwede bang mamaya mo na kausapin ang sarili. Para kang baliw, e" inis kong usal sa sarili.

Pinagpatuloy ko na ang pagluluto para maka-kain na.

... Pero siguro nga, masayang makasama si Abo sa mundo ng mga tao.

Hindi ko namalayan ang pagtaas ng sulok ng labi ko sa mga iniisip. Ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita pero gusto ko na agad siyang makasama. Sinabi niya sa'kin na pupunta siya ulit dito mamayang gabi. Siguro ay dito na naman makikitulog.

Napangiti na lang ako, hindi dahil makikita ko siya kung hindi makikita ko na ang buong mukha niya. Hindi ko alam kung bakit niya tinatago ang itsura niya pero masasabi kong kapag pumunta 'to sa mundo ng mga tao. Siguradong pagpi-piyestaha siya doon.

Kahit na ilang segundo ko lang nakita ang kabuuan ng mukha niya, agad ko naman iyong namemorya. From his sharp eyes that feels like he's seeing your entire soul and when you intenly look at it, there was something solemn swimming in his eyes. Their really stunning, deep silver held a truth that his face could not hide. To his prominent nose and to his pale red lips that.... that.

"Argh, Luna. You started to become a shameless pervert"

Natigil ako sa pag-iling ng makarinig ng katok. Sinulyapan ko ang oras sa wall clock at nakitang alas nueve na. Akala ko ay ang kambal ang kumakatok dahil baka may nakalimutan sila pero ng buksan ko ang pinto ay hindi ko akalaing iba ang mabubungaran ko.

"L-lucy?"

Nginitian niya ako at sumulyap sa loob.

"Pwede ba tayong mag-usap Luna?"

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon