CHAPTER 44

78 1 15
                                    

LUCY'S POV:

Iniwan na namin si Luna sa dorm at nagsimula ng maglakad papunta sa Headmaster's Office. Hezra walked behind my back and it makes me easier to see what's happening outside  the Phasellus. Limang daang metro mula sa kinatatayuan namin ay nakikita ko na miyembro ng Pentagon Army.

When I saw Hezra on my peripheral vision, I immediately stop what I'm doing. Baka maramdaman pa niyang gumagamit ako ng kapangyarihan at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.

Nang makarating sa Headmaster's Office ay nadatnan ko ang Headmaster na kinakausap ang aking tunay na ama at ina.

Napangiti ako at agad silang nilapitan. My mother hugged me while my father kissed my forehead. Unlike the first time I saw them, they are just wearing a simple combat suit right now.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang hari at reyna ng mundong ito ay ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung swerte ba ako o ano pero gustong-gusto ko ang natatanggap ko ngayon.

Kapangyarihan at pagmamahal. Nasa sa akin na ang dalawang bagay na iyon. Pero kahit na ganoon ay mayroon pa ring kulang. At kung makukuha ko pa ang gusto ko ay siguradong ako na ang magiging pinaka-masayang babae.

"At last, you're here Luuxfora. Where have you been?" My mother asked.

I smiled, "Pinuntahan ko lang ang isang kaibigan. Siya nga pala, bakit niyo po pala ako pinatawag?"

Tumingin si ina kay ama at saka tumango pagkatapos ay muling bumaling sa'kin.

"Sasabihin ko sa'yo kapag dumating na ang Councils at si Colwell"

"S-si Sir Colwell?"

She noticed how my mood suddenly changed and she gave me a mocking look.

"Huwag mong sabihing—"

Natatawa akong umiling. "Ina naman"

Nanlaki ang mata niya at natatawang niyakap muli ako.

"Ang anak natin Favros, talagang hindi na bata. Tignan mo at may nagugustuhan na. And I can't believe that the man you're growing interest is the cold wolf of Glaskerlend—"

"I-Ina, wala po akong gusto kay Sir Colwell. Tsaka pano niyo naman po nasabi yan?" Tanggi ko.

I heard my father tsk that makes me look at him. He patted my head twice and I rolled my eyes.

The way he look at me is like he's saying dont-do-boyfriend-not-until-i-like-him.

"Ama naman" tawa ko.

Naiiling na naman siyang tumawa. "Bakit? Hindi ko rin akalain na magkakagusto ka sa kaniya. Pero kung si Colwell naman ang lalaking nagugustuhan mo ay baka magbago pa ang desisyon ko."

Napangiti ako at patalon silang niyakap. Nakita kong napangiti din ang headmaster habang nakatingin sa'min. Medyo nahiya pa ako dahil may katagalan din ang pag-uusap namin pagkatapos ay nabanggit pa ang tungkol kay Sir Colwell. Hindi ko tuloy mapigilang pamulahanan ng mukha.

"Hezra, call your team and summoned them. We also need your presence here"

Tumango si Hezra at lumabas na nga ng Ofiice ng Headmaster. Hindi nagtagal ng lumabas si Hezra ay pumasok na rin ang ilang Council. Agad na nawala ang magandang atmospera sa paligid dahil sa kanila.

Pinili na naming umupo habang hinihintay ang grupo ni Firaston. Ng dumating sila ay agad silang nagbigay ng galang sa amin at nanatiling nakatayo sa hindi kalayuan.

Ilang minuto pa ang nagdaan at ang hinihintay na lang namin ay si Sir Colwell. Agad akong hindi napalagay ng hindi ko siya maramdaman. Napansin ata iyon ng aking ama dahil naramdaman ko na lang ang kamay niya na hinahawakan ang aking palad.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon