CHAPTER 11

86 9 0
                                    

LUNA'S POV:

Tulad ng inaasahan wala nga kaming ginawa buong maghapon. Puro pakilala lang sa mga trainer namin dito. Ang sabi naman ni Tamrin required daw talaga ang ganun para kahit papaano ay alam daw ng magiging teacher namin ang kakayahan ng bawat isa.

Natutuwa nga din talaga ako kasi biglang hindi na nauutal si Tamrin hindi tulad nung first period. Buti naman dahil wala talaga akong mainitindihan sa pinagsasabi niya kapag nagkakanda-utal siya.

Tapos na ang lahat ng subject sa araw na to. Hindi ko nga lang talaga masasabing subject to dahil hindi naman pangkaraniwang school ang Phasellus.

May subject kami na Spell Casting. May trainig kami ng Healing. May pag-aaralang History. At ang tatlong subject na natitira ay para daw sa Combat Training. Iba-iba nga lang. Yung una ay Hand-to-hand Combat. Sunod ay ang Weapon Combat. At ang huli at nakakatakot na Sparring Combat.

Ibang-iba talaga dito. Kaya pala wala akong nakitang notebook sa pinadala ni Headmaster.

Inayos na namin at kinuha ang malalaking bag sa gilid ng classroom. Ito yung mga bag na naglalaman ng lahat ng gamit namin. Tulad nga ng sabi ko tapos na ang klase. Kaya ang gagawin na lang namin ngayon ay hahanapin ang dorm na inilaan para samin.

Ang sabi sa papel na hawak ko ay 3009854. Yan ang room number ko. At ang swerte dahil ganun din ang number ni Lucy kaso ibang room ang kay Tamrin. Sayang gusto ko pa man ding magkakasama kami sa iisang room.

"Oh pano ba yan. Nandito na ko sa building na hinahanap ko. Sayang lang at hindi tayo magkakasama" Derecho at hindi na utal-utal na usal ni Tamrin.

Nakss.

Kumaway lang kami sa kanya ni Lucy. Siya naman ay nagsimula ng maglakad sa kabilang pasilyo dahil nandoon ang dorm niya.

"Ano kayang klase ang room natin no Lucy?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ko kinibo at nagkibit-balikat lang.

Sabagay wala rin naman siyang ka-ide-ideya sa magiging kwarto namin. Ang sabi kanina ng isa sa mga trainer namin ay sa isang dorm daw ay apat ang mag-ookupa nun. Sino kaya yung dalawa pang makakasama namin? Sana lang mabait sila gaya ko.

Patuloy lang naming hinahanap ang room namin ni Lucy. "Sa tingin ko yun na ata ang dorm natin Luna" turo ni Lucy sa pinaka-huling kwaro na nasa floor nato.

"Tar" mabilis kaming naglakad sa tinuro niyang pintuan.

3009854

Yan ang nakalagay na number sa itaas ng pintuan. Tinignan ko ulit ang papel na hawak ko. 3009854 rin. Ibig sabihin ay dito na nga yun?

"Oy Lucy! Kumatok ka na" kulbit ko sa kanya.

.

"Bakit ako? Ikaw na"

"Ayoko nga. Nakakahiya. Ikaw na lang kasi"

"Sige ako kakatok. Ikaw kakausap ha?"

"Oo na"

Inihanda na ni Lucy ang kamay sa baleng pagkakatok ng --------


Eeennnngggkkk


Tunog ng bumukas na pintuan yan. Wag kang ano.

Nagkatinginan kami ni Lucy dahil wala namang nagbukas nito. "PASOKKKK!!!" Sigaw ng isang babae na nakupo sa isang sofa. Tinignan namin siya at nakitang nakaturo ang hinliliit sa amin. Hindi... sa pintuan pala.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon