CHAPTER 38

64 1 11
                                    

LUNA'S POV:

"WELCOME LESKA" Sigaw namin ng pumasok sa bahay si Ate Leska.

Dala-dala nito ang isang maleta at ng makita kami ay agad itong lumapit at isa-isa kaming niyakap.

"Oh my god, mas lalo kang gumanda Lucy" bulalas niya ng mapaharap sa'kin.

Mahigpit ako nitong niyakap na mainit ko namang ginantihan.

"I miss you ate"

"Marami kang iku-kwento sa'kin, ah. I heard you went to Cebu all by yourself. That's dangerous and you stayed there for almost three months, I thought you're on your rebellious phase"


Napailing ako at saka ngumiti, "Rebelling is not my type Ate. I just.... want a vacation?"

Pinagkrus nito ang braso sa dibdib at nagtaas baba ng kilay, mukhang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "If you say so."

Humarap ito kay mommy at daddy at sila naman ang kinausap. Ako naman ay nagpa-alam ng para pumasok na sa kwaryo at magpahinga.

"Mamaya ay bumaba ka Lucy. Sabay-sabay tayong mag-dinner ng ate mo okay?"

Lucy. Napatigil pa ako ng marinig ang pangalang iyan. Nilingon ko si mommy at tumango na lang.

Pagkapasok ko sa sariling kwarto ay agad akong napasalampak sa kama. Napapikit ako at idinantay ang braso sa noo. Why am I feeling that this is weird? All of this. Kahit ang pangalan ko, everytime they're calling my name it feels like it's a different person.

Everyone knows that I'm Lucy Lasinley, the youngest daughter of the Lasinley Family but I have this weird feeling that this isn't right. Nababaliw na ba ako?

Lumingon ako sa gilid ng kama at pahigang tumagilid. Pumikit ako sandali para umidlip, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Galing lang naman akong school at tinapos ang ilang requirements na hindi ko natapos pagkatapos ay diretso na agad ako dito sa bahay.

"Ma'am Lucy, pinapababa na po kayo ni Madam sa dining. Nakahanda na po ang pagkain"

Hindi ko namalayan ang oras. Pagtayo ko sa kama ay alas sais na ng gabi. Lumingon ako sa pintuan kung saan nanggagaling ang sigaw ng maid at naglakad patungo doon at saka iyon binuksan.

"Bababa na ako" saad ko kay Aling Marta.

Tumango ito at naglakad na sa kabilang direksyon. Papunta sa kwarto ni ate Leska, mukhang maglilinis ata dahil may dalang kumpletong set ng panlinis. Pababa na sana ako sa  hagdan ng makasalubong ni Aling Marta ang isa pang maid.

"Ate Marta, ang dami pong alikabok sa isang guest room. Palinis na lang po, nakatoka kasi ako ngayon sa kusina"

"Oh siya sige. Pagkatapos ko sa kwarto ni Leska"

"Ay maraming salamat Ate Marta"

"Saglit lang Marites, pumunta ka nga pala sa garden. Hindi natapos ni Thesa ang paglilinis doon sa ihawan kaya ang daming abong nakakalat. Baka makita pa nina Madam, linisin niyo na."

Tumango si Marites at nagsimula ng maglakad sa kabilang direksyon.

Habang ako ay parang natuod sa kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang paa at binti ko dahil sa narinig at pinag-usapan ng dalawa.

Napahawak ako sa aking ulo at at mariing naapikit. Bakit? Anong sinabi ni Aling Marta at Marites para biglang sumakit ang ulo ko. Walang importante sa pinag-uusapan nila pero bakit parang may kailangan akong malaman.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon