CHAPTER 22

173 7 0
                                    

LUNA'S POV:

"I'm sorry Luna. Hindi talaga pwede ang hinihingi mo. Isa pa pinapahanap ko na si Lucy sa isang team na in-assign ko. Just calm down!" pagpapahinahon sakin ni Headmaster.


"Kalma?? Pano ko kakalma eh yung kaibigan ko nawawala tapos sasabihin mo ngayon sakin na kumalma?"


"Kahit na magwala ka dito, hindi yan makakatulong. I understand that you really want to help pero sa nga ganitong pagkakataon ako na ang bahalang umayos" Headmaster.




"Hahh!! Sa tingin niyo ba matatahimik ako kapag alam kong hindi ligtas si Lucy? Bakit ba ayaw niyo kong ako ang maghanap sa kanya ha? Paano pag may mangyari masama kay Lucy? Pano kung patayin siya?"




"Sige nga. Sabihin mo sakin kung paano ka makakatulong" aniya.


Doon ako napahinto.



"May ability ka ba? Malakas ka ba? Matalino ka ba? Sabihin mo nga sakin Luna kung paano ka makakatulong. Ni-hindi mo nga kayang makipag-sabayan sa iba. Palaging huli. Palaging nangungulelat. Palaging hindi makasabay sa iba. Ano bang maiitutulong mo ha?"




Napakuyom ako sa kamao at mariing pumikit dahil sa galit. Sagad hanggang buto ang sinasabi ni Head master Eksaktong eksakto lahat. Mahirap man aminin pero iyon ang totoo. Tama siya. Mahina ako at walang kakayahan pero hindi ako matatahimik dahil nawawala si Lucy. Ako ang dahilan kung bakit siya kinuha. "Luna. Hindi makakatulong kung magpapanic ka. Don't worry, mahahanap natin si Lu-----"



Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil lumabas na ako sa office niya. At anong gusto niyang gawin ko? Dito lang sa eskwelahan to ganun? Kumain ng walang inaalala? Mag-aral na parang walang nangyari? Mag-training ng walang bumabagabag sa isip ko?



Mabilis lang akong nakarating sa dorm namin. Hindi ako nagtagal sa hospital kahit hindi pa ko magaling. Ayoko na doon. Nakokonsensya ako at ang daming naglalaro sa isip ko. Habang ako nagpapahinga.. Ayun yung kaibigan ko hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi maatim ng sikmura ko na kumakain ako ng masarap tapos si Lucy, naghihirap.



Dumerecho ako sa kwarto at doon pagod na humiga. Malapit ng mag-alas dose ng gabi. Pero imbis na matulog, nag-iisip ako kung papanong mahahanap si Lucy. Napamulat ako ng may bumalik sa isipan ko. Violl's End. Bago ako mawalan ng malay, narinig kong sinabi iyon ng babae. Violl's End. Isa bang lugar yun ha?


"Let's go Luna, I'll make sure that you will like this amazing adventure in Violl's End"



Doon ba sila pupunta ha? Doon ba nila dadalhin ang kaibigan ko? At bakit alam nila ang pangalan ko.



Mabilis akong bumangon at kinuha ang walang laman kong bag sa isang cabinet. Kumuha ako ng ilang damit, leggings at underware. Nang makitang ayos na ang mga hinanda ko ay ako naman ang nagpalit. Sinuot ko ang makapal na jogging pants at tinernuhan ng black T-shirt. Nagsuot din ako ng jacket dahil siguradong malamig sa labas. Hating-gabi pa man din. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang sapatos sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Mas sanay ako dito kesa sa boots.



PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon