CHAPTER 40

65 1 4
                                    

LUNA'S POV:

"LUNA!!! WE MISS YOU"

Muntik na akong matumba ng sabay na lumapit sang kambal sa'kin.

"H-hey, can't b-breath"

Paano ay nasa kabilang gilid ko sila at talagang kulang na lang ay pisilin nila ako para maging giniling.

"Kamusta ka na? Ayos ka lang ba ha? Alam mo bang sobrang nag-alala kami sa'yo? Miss na miss ka na namin" Si August.

Ngumiti ako at dahan-dahang kumalas sa kanila. Kitang kitang ko ang madamdamin nilang ekspresyon na siyang muntik ko ng ikahalakhak. Paano ay parehas silang nanunubig ang mata.

"Tumigil nga kayo. Parang ang tagal nating hindi nagkita a—"

"Talaga namang matagal, ah"

Napangiwi ako ng sabay nila iyong isigaw.

"Okay, okay. Sorry, siguro nga matagal. Dalawang buwan din ang nagdaan hindi ba"

Napangiti ako ng sabay silang tumango habang parang nagpu-puppy eyes. Itinuro ko ang sofa sa sala at sinenyasan sila kung pwede na bang umupo. Hanggang ngayon ay nasa entrance pa lang kami ng dorm dahil bigla na lang nila akong niyakap.

"Pwede bang i-kwento niyo sa'kin kung ano na ang kalagayan ng buong Phasellus?"

Agad na nagbago ang mukha nila sa pagiging seryoso. Tumango si August at nauna ng maglakad papunta sa sala kaya sumunod kami ni Marga.

Ng makaupo kami ay pumunta si Aug sa kusina at kumuha doon ng pitchel at tatlong baso. Pagbalik niya ay inilagay niya iyon sa ibabaw ng glass table at nagsalin na rin ng tubig sa baso ko.

"Pasensya na Aug, pero wala bang juice?"

Sabay na napalingon sa'kin ang kambal dahil sa tanong ko.

Huli na ng namalayan kong malakas akong binatukan ni Marga.

"Ikaw, ang seryoso na namin tapos bigla mong sinira 'yung mood. Ang galing mo talaga Luna. Ang galing galing"

Napangiti na lang ako habang hinihimas ang parte kung saan niya ako binatukan.

"Biro lang, bigla na lang kasi kayong nagseryoso"

Inungusan ako ni Aug. "Sino sa tingin mo ang may kasalanan" Napangiwi ako sa kaniya.

Kani-kanina lang ang sweet nila tapos umihil lang ng malakas ang hangin bigla na lang silang naging masungit.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Aug kaya agad akong napa-ayos ng upo. Kahit si Marga na nasa tabi ko ay ganoon din ang naging reaksyon.

"Magsimula tayo sa kaibigan nating si Princess Luuxfora a.k.a Lucy"

Naging alerto ako ng mabanggit ang pangalan ni Lucy.

"Hindi ba at kinuha siya ng Pentagon Army? Ang totoo ay una nilang nalaman na si Lucy ang anak ng hari at reyna kaya naman agad nilang pinagplanuhan ang pagdukot sa prinsesa at nagtagumpay sila hindi ba? Noong mga panahong iyon, hindi pa alam ni Haring Favros at Reyna Vixra na anak nila si Lucy. Naramdaman na lang nila noong may nagpakawala ng matinding kapangyrihan. Kung hindi ako nagkakamali iyon 'yung time na nasa misyon kayo at kinuha nga si Lucy hindi ba. Kasama niyo rin ang oracle, tama ba ako?"

Tumango ako sa lintanya ni Aug.

"Pagkatapos ng nangyari. Agad na napagdesisyunan ng Councils kasama na rin ang royals na iligtas si Lucy sa lalong madaling panahon hangga't hindi pa lumalabas ang totoo niyang kapangyarihan"

"Kapangyarihan? Hindi ba ang kapangyarihan ni Lucy ay healing? Naalala ko noong may healing class. Isa siya sa mga magagaling"

Umiling si Marga at kinalabit ako.

"Mali ka Luna, isa lang 'yan sa mga kapangyarihan ni Lucy. Ang totoo niyang kapangyarihan ay kaya niyang kontrolin ang lahat ng elemento na nandito sa Glaskerlendh. Kung mababasa mo ang aklat tungkol sa mga mahika at pati mga alamat. Mababasa mo ang tungkol sa propesiya. Pagkatapos ay mayroon doon na tula sa unang pahina. Ano nga ba 'yung tula August?"

Humarap ako kay August para marinig ang tulang sinasabi ni Marga.

"Pagtubo ng kapangyarihan
  Ay bunga ng kadiliman
  Sa gitna ng matatayog na halaman
  Sisibol ang bagong nilalang

  Darating ang inaasahan
  Sa makapangyarihan iaalay
  Ang sugo ay dapat itapat
  Sa hari ng buwan, bituin at araw

  Sa pagsapit ng tamang panahon
  Mga alagad ay dapat na maupos
  Bigkis na nagdudugtong
  Walang sagot, Itoy mapuputol

  Ngunit ang dala ng kapangyarihan
  Ang magliligtas sa sanlibutan
  Ang lilikha sa bagong bukas
  Tatapusin ang wakas"

Bumuka ang labi ko para magsalita. Hindi ako maaaring magkamali. Narinig ko na ang tulang iyan.

Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Marga.

"'Yan, tama. 'Yan yung tula na nakasulat sa lahat ng pahina sa mga libro dito sa Phasellus. Hindi ko nga maintindihan ang ibig sabihin. Masyadong malalim pero isa lang ang sigurado ko. Ang makapangyarihan na tinutukoy sa tulang iyan ay si Lucy."

"Pero nakapagtataka"

Pinagkrus ko ang binti ko at napahawak sa baba. Naramdaman ko ang titig ng kambal pero nakatuon ang atensyon ko sa basong nakatapat ngayon sa'kin.

"Anong nakakapagtaka Luna?" Si August.

"Kung hindi niyo kasi natatanong, makailang beses ko ng narinig ang tulang iyan sa isip ko. Pero ngayon ko lang talaga napag-isip isip ng mabuti."

"Ang ano?" Si Marga.

"Yung huling talata"

Naghintay sila sa sasabihin ko pero nagsalubong lang ang kilay ko.

"Hindi ba at ang sabi sa huling talata 'Ngunit ang dala ng kapangyarihan, ang magliligtas sa sanlibutan, ang lilikha sa bagong bukas, tatapusin ang wakas. Kung si Lucy nga ang makapangyarihan ibig sabihin dapat may dalhin siya dito na siyang magliligtas ng buong sanlibutan. Hindi ko alam kung bagay ba o ano pero kung uuli-ulitin mo kasi ang linyang 'yan parang sinasabi na rin na kahit sa Lucy ang pinaka-makapangyarihan. Hindi pa rin siya ang magliligtas sa mga nilalanang na nakatira sa mahiwagang mundo na ito. Kung hindi ang dala-dala niya. Ang tanong, ano nga kaya 'yon? Bagay kaya? o ... tao?"

Lalong naningkit ang mata ko sa mga naisip. Natinag lang ako ng wala na akong marinig na salita mula kay Aug at Marga man lang.

Nang lingunin ko sila ay parehas lang silang nakatingin sakin.

"Ah.. B-bakit?"

"Alam mo Luna, nakakatakot kang magsalita"

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Marga.

"Eh??"

Napahawak sa batok si August at saka tumayo.

"Tumitinding ang balahibo ko dahil sa mga sinasabi mo. Ang lalim lang, hay naku. Magpahinga ka na nga. Bukas na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap natin. Oo nga pala, sinabi ni headmaster sa'min na malaki ang magiging papel mo para mabawi natin si Lucy. Kaya naman umaasa kami sa'yo Luna."

Napangiti ako at inayos ang pagkaka-upo.

"At kaya ako nandito para kay Lucy. Huwag kayong mag-alala, kahit anong mangyari. Ililigtas ko siya, siguro nga isa lang akong hamak na tao at walang kapangyarihan gaya niyo pero itataya ko ang buhay ko para sa pinaka-matalik kong kaibigan."

Matapos ang pag-uusap at hinayaan ako ng kambal na dumiretso sa dati kong kwarto. Pagkabukas ko ay napansin ko kaagad na wala pa rin itong pagbabago. Sinubukan kong hanapin ang dragon at fairy ko pero hindi ko sila mahagilap.

Napansin ko din na wala ang dragon at fairy nung kambal. Siguro ay nasa pamamalaga iyon ng ilang teachers.

Nang tuluyang makalapit sa kama ay agad akong humilata at pumikit. Siguro dulot ng pagod kaya mabilis akong nakatulog.

Talagang masyadong napakabilis ng pangyayari.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon