CHAPTER 23

337 7 1
                                    

LUNA'S POV:

"Kelan mo ba ko ibaba ha?"

Walang sagot.

"Kanina pa tayo pinagtitinginan oh"

Again, no answer.

"Sige ka. Baka mapagkamalan tayong mag-jowa dito"

Wala na naman pong ulit sagot.


Tch. Ano ba naman tong abong to. Napaka-sungit. Pinaninindigan talaga niyang kunwari siyang pipi. Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay dumerecho kami dito sa baba-- este siya lang pala. Siya lang naglalakad eh.

Hindi ba siya napapagod? Kanina pa niya ko buhat-buhat ah. Opo. Buhat niya ako. Mula sa punong pinagtulugan ko hanggang dito sa bayan. Hindi niya man lang ako tinignan o kinamusta man lang. Diba? Ang taray lang?


At sa totoo lang din kanina ko pa gustong kainin ng lupa dahil simula ng bumaba kami dito. Kanina pa kami pinagtitinginan. Eto namang abong to. Wapakels. Straight lang ang tingin na ang akala mo walang taong nakatitig samin.


"Huy" sundot ko sa kanya.


Hindi man lang niya ulit ako pinansin at nagderecho lang sa paglalakad. Hindi ba siya nabibigatan sakin? Buhat niya ko tapos buhat niya rin sa likod ang bag ko. Nakakahiya naman. Buti na lang at pagabi na kaya halos paunti na rin ng paunti ang mga tao dito. Kung ganon ang haba pala ng tulog ko doon sa puno. Teka? Bakit nga pala siya nandoon?


"Nga pala. Pano mo kong naki-----"


Natigil ako sa pagsasalita ng tumigil siya sa paglalakad. Nakahinto kami sa 'Lacrisa Rest'. Ano naman kaya to? Ang laking bahay ah..



Nagulat ako ng pumasok kami dito. "T-teka? Bakit tayo papasok dito? B-baka hulihin tayo ng may-ari"


"Welcome to Lacrisa Rest" Isang dwarf ang biglang sumulpot sa harapan namin. Ibig sabihin hindi ito isang bahay kung hindi paupahan.


"Room for 2" sa wakas nagsalita na ulit si Abo. Nag-aalala ako baka biglang mapanis ang laway niya. Kawawa naman.


"Ayy. Sensya na sir. Puno na kasi ang halos lahat ng kwarto para sa pandalawang tao. Kahit sa family room. Ang dami kasing dumadayong taga-iba dito eh. Sa Solo Room na lang ho. At siguradong ma-eenjoy pa kayo ng misis mo"


A-asawa??????


"A-ah eh. K-kuyang dwarf. H-hindi po kami mag-asawa. H-hehe"

Lokong duwendeng to. Napaka-pahamak.

Nginitian lang ako nung dwarf.


"Get my card" napa-igtad ako ng marinig ang sinabi niya. T-teka? Ako ba ang kausap niya? Tinignan ko naman siya at ako nga.



"N-nasan ba?" Tanong ko. Ano ba naman yan. Kako ba naman at magbigay kahit na kaunting reaksyon. Di siya robot.


"Inside my pocket"

"A-ano?"

"Pocket" ulit niya.


Nilingon ko ang tinuro niya at ganoon na lang ang mariin kong paglunok ng mapagtantong sa bulsa ng pantalon niya nakalagay ang card. T-teka lang ha.


"A-anong gagawin ko?" Tanong ko at namamawis na tinignan ang lalaking to.


"Get it" tamad na wika niya

S-seryoso ba siya.

"Bakit ako?"

"Then who?" Balik na tanong niya.


PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon