CHAPTER 33

225 7 6
                                    

LUCY'S POV:

"Dala ng kapangyarihan

Magliligtas sa sanlibutan

Ang lilikha sa bagong bukas

Tatapusin ang wakas"


Mabilis kong ipinilig ang ulo ko dahil naalala ko na naman ang tulang yun. Ano bang meron diyan at paulit-ulit na pumapasok sa utak ko? Halos masaulo ko na ang bawat salita diyan eh.

Simula ng magkaroon kami ng misyon walang gabi na hindi ko naririnig ang tulang yan. Hindi ko na nga lang sinasabi sa iba dahil baka mag alala p sila.


"Ano pang hinihintay niyo riyan? Tawagin niyo na ang kasamahan niyo at ng makakain" napangiwi ako sa naging usal ng oracle. Ang sungit niya para sa isang matanda.


"Ah eh. Oracle, umalis lang po kasi saglit si Colwell kaya baka mamaya-maya pa siy-----


"Oh eh anong gusto mong gawin ko ngayon ha Vadim? Baka nakakalimutan mo. May kasalanan pa sakin iyang kapitan mo. Ang lakas lakas niyong pumunta dito sa teritoryo ng mga mangkukulam tapos hindi man lang kayo naghanada ng kahit na anong handog." Pasigaw na sabi nung Oracle. Ayokong sumabat baka tarayan din ako nito. Mahirap na.



Katulad ko tahimik lang din ang apat. Nakaupo na kami sa isang mabatong upuan at nakaharap sa lamesang gawa din sa bato na may nakahaing pagkain. Kung alam ko lang na bubungangaan kami ngayon ng matandang to dapat ginising ko na agad si Luna. Daig niya pa yung matandang professor namin sa History dahil sa kasungitan.


Pero teka nga, hindi ba dapat kanina pa gising ang babaeng yun? Kanina pa siya tulog. Baka kinain ng kama.


Nakinig lang ako sa himutok ng Oracle. Halatang-halata na malaki ang galit kay Sir Colwell.

Dios mio kahit kanina ko pa gustong kainin ang mga pagkain na nakalantad sa harapan namin di ko magawa. Nakakahiya naman no. Alangan namang lamutakin ko to lahat habang ang seryso nila sa pag-uusap.


May hiya pa naman kasi ako kahit papaano. Hindi naman kasi ako katulad ni Luna na wala na ngang manners wala pang hiya.


"Huminahon po kayo Oracle. Siguradong maya-maya pa ay nandito na rin ang Captain na----" Hindi na naman natapos ni Sir Vadim ang sasabihin niya dahil kinontra ulit sya ng Oracle.



"Ang ayoko talaga sa lahat ay ang pinaghihintay ang pagkain. Bakit pa kasi kay---"

"Your voice really hurt my ears" Napalingon kaming lahat sa bukana ng kweba na nagsisilbing entrance. At kahit hindi ko makita ang mukha at tanging bulto lang niya ang naaaninag namin ay kilala ko na agad kung sino ito.



'Sir Colwell'


Patakbong lumapit si Sir Vadim kay Sir Colwell at halatang pinapagalitan niya ito dahil pinag-init nito ang ulo ng Oracle. Sina Ptorik, Firaston, Vemery at Hezra ay lumapit din kay Sir Colwell habang nakita ko namang bahagyang napa-irap ang Oracle.



Para tuloy sinasabi niya na may-pa-grand-entrance-si-tutoy-aba-naman. Natawa tuloy ako. Hindi ako lumapit sa kaniya katulad ng palagi kong ginagaw.


Baka bigla akog maglupasay sa harap ni Sir Colwell at alam kong nakakahiya yun. Baka isipin pa nila na nababaliw ako. Aware naman ako sa nangyayari sakin.


Mula sa mabilis na pagtibok ng puso ko kapag malapit siya. Sa tuwing titingin ang kakaibang kulay niyang mata at parang nagpa-party ang kung ano mang nasa loob ng tiyan ko.


PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon